Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

‘DI NA NATAPOS?

$
0
0

Mahirap iwan ang shopping addiction  kung wala kang purpose and determination.

Tapos na ba ang pamimili ninyo o hindi pa rin? Napag-uusapan n’yo ba mag-asawa ang tungkol sa pagbabadyet? Kumusta naman ang pag-uusap ninyo?

Alam n’yo mga ka-Chink, marami na rin akong couples na nakausap tungkol dito. Me and my wife, Nove, have this advocacy on happy marriage.

Hindi naman kami perfect, pero naniniwala kami pareho that prevention is better than cure. Bago pa man mauwi sa problema, iwasan na natin.

Kaya mahalaga na kahit nasa engagement period pa lang kayo, napag-uusapan na ito:

LIFESTYLE

Malamang nung nasa dating stage pa lang naman kayo, alam mo na rin kung anong lifesyle ng nililigawan mo or ng nanliligaw sa ‘yo ‘di ba?

Nandyan yung “high maintenance” ba ‘yan?

Maluho ba ‘yan?

Magimik ba ‘yan o party people?

So from there, kung gusto n’yo nang mag-settle, kailangan may mga bagay na dapat iwan na. Wala namang masama sa bonding with friends, pero hindi na ito pwede linggo-linggo.

Another is that you have to set your

PRIORITIES

Kung dati, kada sale ay laman kayo ng mall, o kaya naman laging latest phone ang gamit natin para makapaglaro nang maayos, ngayon, dapat nasa budget na.

Darating na kasi sa punto ng buhay na ang pera ninyong mag-asawa ay conjugal na at hindi naman dapat taguan ng pera dito. Kasi mahirap din na hindi kayo tapat sa isa’t isa.

Kaya mahalaga rin na pinag-uusapan kung anu-ano ang mga unang investment o kaya savings para sa sarili ninyong pamilya.

You have to know your

RESPONSIBILITIES

Lalo na kung may mga kamag-anak din kayo na sinusuportahan, dapat mas maging maingat at mas magaling kayo sa pagba-badyet.

Kahit sabihin nating nakawawala ng stress ang pagsha-shopping, isipin din natin na yung mga binili ba natin ay talagang kailangan natin o ng ating pamilya.

Kasi kung ma-realize natin na hindi pala, nasa huli na ang pagsisisi. Kaya kahit tempting ang pag-shopping, kailangan mas malakas ang mindset natin sa goals kasi

“Mahirap iwan ang shopping addiction 

kung wala kang purpose and determination.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Kaya n’yo bang i-sustain ang lifestyle na mayroon kayo ngayon?
  2. Anu-ano ang mga priorities ninyo?
  3. Paano ninyo maiiwasan ang shopping addiction?

 

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron kapang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)

Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

 

The post ‘DI NA NATAPOS? appeared first on Chinkee Tan.


TIPID TIPS!

$
0
0

Hindi mali ang magtipid lalo na kung ayaw mong magipit.

First month ng 2020, kaya magandang magplano nang maaga. Para sa akin, ang pagpaplano ng kasal ang unang “big project” ng mag-asawa. Kaya naman dapat mapag-usapan ito.

Nasa kultura na nating mga Pilipino na lalaki ang talagang naglalabas ng pera para sa kasal. Pero mas maganda na may budget plan sa simula pa lamang at napag-ipunan na ninyong dalawa ang kasal ninyo.

Kaya nandito ang ilan sa mga tips para makatipid sa kasal:

PRIORITIZE AND BOOK AHEAD OF TIME

Unahin ang budget. Mula doon, pag-usapan ang gusto ninyong tema, petsa at oras ng kasal. Kung may theme na kayo ng kasal, dito na rin iikot ang design ng simbahan at venue, invitation pati na rin ang pagkain.

Kapag may napagkasunduan na kayo, pwede na rin kayo mag-ikot-ikot para sa venue. Mas maaga, mas mura dahil kadalasan, kapag last quarter ng taon, tumataas na uli ang bilihin at nagbabago na ang rate.

Hindi naman kailangan magmadali, pero huwag mahiyang magtanong mula sa mga feedback ng ibang tao para malaman kung tama ba na yun ang pipiliin ninyo.

MAKE YOUR OWN INVITATIONS AND ASK FOR HELP

Masaya rin kung kayo na ang gagawa ng sarili ninyong invitation para mas maging personalized. Pero tandaan kung gagawin ito, kailangan ng mahabang oras para dito.

Kaya humingi rin ng tulong mula sa mga kaibigan at kamag-anak. Masaya rin ito dahil magiging bonding ninyo ito at lalabas din ang creativity ninyo.

Mahalaga ang pagkain sa kasal, kaya yun ang isa sa talagang paglalaanan ng budget. Sunod naman,

LIMIT YOUR GUESTS AND CREATE YOUR OWN PLAYLIST

Pwede naman na galing na mismo sa inyo ang playlist na tutugtugin sa kasal para hindi na kumuha ng singer. Pero kung may kakilala din na kumakanta pwede namang mag-request.

Hindi rin naman natin kailangan imbitahan ang buong baranggay. Lol!

Isama natin sa listahan ang talagang nakakausap pa natin for almost a year. O yung mga kaibigan at kamag-anak na talagang malaki ang naging bahagi sa buhay at sa pagsasama ninyo.

Tandaan, hindi lamang kasal ang kailangan paghandaan kundi ang mismong pagsasama ninyong mag-asawa.

“Hindi mali ang magtipid lalo na kung ayaw mong magipit.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang tatlo sa pinakamahalagang paglalaanan ng budget ninyo sa kasal?
  2. Paano ninyo iba-budget ang inyong pera at oras para sa paghahanda ninyo?
  3. Sinu-sino ang mga mahahalagang tao na gusto ninyong makasama sa inyong kasal?

 

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!” Click here:https://lddy.no/8vdb

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

 

The post TIPID TIPS! appeared first on Chinkee Tan.

GOOD BYE, CREDIT CARD!

$
0
0

Huwag mong gawing debit card ang credit card, kung ayaw mong magmukhang haggard.

Shopping Shopping Shopping! Lol! Januaryna, ngayon na yung bayaran ng mga pinamili gamit ang credit card nung December!

Kumusta naman? Nabayaran ba ito o yung minimum amount lang? Naku mga KaChink, huwag gawing habit ang paggamit ng credit card kung hindi naman pala mababayaran nang full ang bayarin.

Anu-ano ba ang mga signs na dapat mo nang ipa-cut ang credit card?

WALANG CONTROL SA PAMIMILI

Kung sa isang buwan, halos maubos mo na ang tinda sa online shop ng kaibigan mo o kaya naman lagi kang laman ng weekend sale, mas kailangan mo nang iwanan ang credit card.

Mas tempting kasi kapag may credit card dahil hindi agad nararamdaman ang bayarin dahil nakuha mo na agad ang item, pero sa susunod na buwan, surprise na! ‘Di pala pasok sa budget.

Pati sa pagkain, mahilig pang manlibre sa ibang mga tao. Masabi lang na nakakaangat na sa buhay kahit

HINDI SAPAT ANG KINIKITA

Basta makasama lang lagi sa lakaran ng mga barkada, go na go! G na G. Lol!

Kahit maganda ang offer ng bank company, mahalaga pa rin na alam natin kung hanggang saan lang ang maaari nating utangin.

Pwedeng gamitin ang credit card sa pang-ikot sa negosyo dahil may babalik na kita, pero kung puro palabas lang ang gamit ng credit card at hindi naman mababayaran nang full, magiging problema lang ito.

Tandaan na hindi solusyon sa isang problema ang isa pang problema kaya naman kung

WALANG DISIPLINA

Magandang simulan muna ang pag-iipon. Halimbawa kung may gusto kayong bilhin na laptop, kung hindi sapat ang cash, magtabi ng pambili rito kada buwan.

Imbes na bayaran natin ito buwan-buwan, ipunin na muna ito kada buwan at saka bayaran ito nang buo kapag nakaipon na. Mahalaga dito ay matutunan ang pagkakaroon ng disiplina.

Dahil kung basta na lamang kukuha ng credit card at hindi naman pala alam kung paano ito gamitin, stress lang ang maidudulot nito sa buhay. Kaya naman

“Huwag mong gawing debit card ang credit card, kung ayaw mong magmukhang haggard.”

 – Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Madali ka bang mabentahan ng kung anu-ano?
  2. Hirap ka bang mag say ng “no” sa ibang tao?
  3. Hindi mo ba alam kung paano mag-budget?

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey.

Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. Meron ka nang Ipon Kit, meron ka pang one year access to my mentoring course sa ChinkTV.

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course)

Click here to order: https://lddy.no/8wsr

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post GOOD BYE, CREDIT CARD! appeared first on Chinkee Tan.

PEKSMAN! WALANG IWANAN!

$
0
0

Marami siguro sa inyo mga Ka-Chink ang gustong makahanap ng love life ngayong 2020 o kaya naman gusto nang lumagay sa tahimik at magpakasal.

Pero alam naman natin na ang pagpasok sa relasyon at ang pagpapakasal ay dalawa sa pinakamahalagang milestones ng buhay natin kaya naman kailangan itong pag-isipan nang husto.

Narito ang ilan sa mga maaari ninyong pagnilayan para sa malaking desisyon na gagawin ninyo.

WAKE UP EACH MORNING WITH THIS PERSON

“S’ya ang taong gusto kong makasama araw-araw”
“Kasama ko laging kumain hanggang sa pagtanda.”
“Kasama kong abutin ang aming pangarap.”

Isipin mo na s’ya ang gusto mong makasama sa pagtulog at sa paggising sa susunod na araw. Sa kanya ka rin magkukwento ng mga nangyari sa buong araw mo.

You will be faithful to this person for the rest of your life. Masarap isipin na talagang handa ka at alam mo na tama ang magiging desisyon mo. You will also

ARGUE AND LAUGH WITH THIS PERSON FOR THE REST OF YOUR LIFE

“S’ya ang gusto kong pasayahin bawat araw.”
“Makikinig ako sa mga opinyon n’ya.”
“Bubuo kami ng masayang pamilya.”

Handa ka bang makinig sa mga jokes n’ya kahit hindi nakatatawa? O kaya naman kumain ng luto n’ya kahit hindi masarap? Lol!

Syempre wala namang perpektong pagsasama pero dapat alam mo rin na s’ya yung taong mapagkakatiwalaan mo dahil naniniwala kang hindi ka rin n’ya iiwan.

SHARE YOUR RETIREMENT

“Kasama kong manood at matulog sa sinehan” Lol!
“S’ya rin ang kasama kong mamasyal sa iba’t ibang lugar.”
“Aalagaan ko at sasamahan ko hanggang sa pagtanda.”

Kapag nagplano naman tayo hindi naman pwede na may number of years lang ang pagsasama. Ang gugustuhin natin ay yung talagang makakasama natin hanggang sa huling tibok ng ating puso.

Kaya naman

“When you chose to settle down with someone,
dapat alam mo ang ibig sabihin ng ‘Walang Iwanan’.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Gaano mo kakilala ang taong mahal mo?
  • Paano ninyo bubuohin ang pangarap ninyong pamilya?
  • Nakakapag-ipon din ba kayo para sa inyong retirement?

 

————————————————————————————————-

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing.
Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.
Click here to learn more: https://lddy.no/8vaq

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PEKSMAN! WALANG IWANAN! appeared first on Chinkee Tan.

GAANO KA #KAHANDA?

$
0
0

Ang pagiging magulang ay isa sa mga bagay na dapat pinaghahandaan. That’s why we need to choose the right person that we want to share our lives to start a family.

Kapag nasa isang relasyon, syempre darating din sa punto na gusto na nating lumagay sa tahimik at pumunta na sa next level. So anu-ano ba ang mga dapat nating alamin?

VALUE

May maayos bang pag-uugali ang iyong kasintahan?
May matibay ba kayong pananampalataya sa Diyos?
Marunong ba siyang makisama sa mga mahal mo sa buhay?

Mahalaga na alam natin ang mga katangian na gusto nating ituro sa ating mga anak. We can’t teach them what we don’t know.

Kaya paano ninyo ituturo ang tamang pag-uugali, pananampalataya sa Diyos at pakikisama sa ibang tao kung kayo mismo ay hindi ito isinasabuhay?

PLANS AND GOALS

May direksyon ba ang buhay ng kasintahan mo?
May plano bang umunlad pa sa buhay?
May ipon goals din ba at pareho ba kayo?

Kung iniisip mo na magbabago rin s’ya kapag nagkaanak na kayo, think again. Kailangan ba na magkaanak muna kayo bago s’ya magsimula magplano sa buhay?

Kailangan pareho kayo na may patutunguhan ang buhay dahil bubuo rin kayo ng panibagong buhay at kasama na rin dito ang inyong magiging anak.

Higit sa lahat ay ang kahandaan o

READINESS

Hindi pwede na puro plano lang. Kailangan marunong ding kumilos at gumawa ng paraan. Mahalaga na may paninindigan at may isang salita.

Tinutupad ba n’ya ang kanyang mga pangako?
Nakikita mo ba ang sarili mo na kasama s’ya habang buhay?
Marunong din ba siyang humawak ng sarili n’yang pera?

Mahalaga ang mga katanungan na ito dahil kapag nagkaroon kayo ng sarili ninyong pamilya, malaking responsibilidad ito na kailangan paghandaan.

“Having a child is not just a choice
but a commitment that we have to rejoice.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga katangian na kailangan upang maging isang mabuting magulang?
  • Paano n’yo pinaghahandaan ang pagkakaroon ninyo ng anak?
  • Sinu-sino ang mga huwaran na inyong hinahangaan at inspirasyon?

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

YouTube channel: http://rfr.bz/fa87as
Facebook page: http://rfr.bz/fa87at
Instagram: http://rfr.bz/fa87b4

I want to help you as parents raise RISK TAKERS, PROBLEM SOLVERS and CHANGE MAKERS.

CHINKTV PRESENTS: How To Raise Entrepreneurial Kids In 10 Easy Steps Online Course for only 799. Click Here: http://rfr.bz/fa87b5 http://rfr.bz/fa87b6

The post GAANO KA #KAHANDA? appeared first on Chinkee Tan.

ANGKING TALENTO

$
0
0

Naniniwala ako na lahat tayo ay may mga talento. Kayo ba mga ka-Chink, naniniwala rin ba kayo dito?
Lahat tayo ay may sariling mga galing na kailangan nating malaman, mapaunlad at magamit upang ang ating mga pangarap ay makamit.

Paano ba natin malalaman kung ano ang ating dapat simulan?

PASSION

Maaaring ang iba sa inyo ay talagang pinagpala ng todo ng Panginoon dahil maraming talento ang natanggap. Pero alin dito ang pinakamahal mong gawin?

Ano ba yung bagay na ginagawa mo na kahit mahirap, gusto mo talagang gawin? Kahit maraming pumipigil, maraming pagsubok na dumating, mahal mo talaga ang ginagawa mo.

Ano ito?

Kapag nasagot mo na ito, the next step is that you have to

PRACTICE

Dapat talagang ginagawa mo ito lagi kasi kapag hindi, maaaring makalimutan mo na ito. Maliban pa dito, dapat din ay hindi ka huminto sa pag-aaral para dito.

Kailangan din ay pinapaunlad mo ang sarili mo sa larangan na ito para mas maging magaling ka sa chosen field mo.

Mas mainam din kung naibabahagi mo sa iba ang iyong talento. Sa ganitong paraan, maaari kang magkaroon ng

PROFIT

Mahalaga rin na maging daan ito para maabot mo ang iyong mga pangarap, gayundin ay mabili mo ang mga pangangailangan mo at ng iyong pamilya.

Let’s be true to ourselves, kung hilig mo talaga ang maglaro ng computer games na halos buong araw ay hindi ka na kumain, nandoon na ang passion mo, pero may profit ba na bumalik sa iyo?

Huwag din nating sayangin ang ating oras. Kung talagang mahal mo ito, maaari kang maghanap ng gawain na connected dito na maaari mo ring pagkakitaan. Pero kung wala, gawin lamang itong pampalipas oras at huwag ubusin dito ang buong oras.

Tandaan:

“Gamitin ang galing at ang talento,
upang ang buhay ay umasenso.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang iyong mga talento at mahal mong gawin?
  • Paano mo pinauunlad ang iyong kaalaman at galing dito?
  • Anu-ano ang mga natanggap mo mula sa talentong ibinahagi mo sa iba?

 

Unlock all my online courses for only P1,598 (instead of P11,186) to be able to watch and learn for 1 year!

Yes! Unlimited Access For All Videos For One Whole Year!!!

– Juan Negosyante
– How To Retire At 50
– Benta Benta Pag May Time
– Be A Virtual Professional
– Secrets of Successful Chinoypreneurs
– Happy Wife Happy Life Online Coaching
– Happy Wife Happy Life Live Seminar
– Ipon Pa More
– Become A Master Prospector
– Online Negosyante
– Raising Moneywise Kids
– First Million in Direct Selling
– Stock Market for Every Juan with Marvin Germo
– Real Estate (NEW!)

Click here to register: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post ANGKING TALENTO appeared first on Chinkee Tan.

CHALLENGE ACCEPTED

$
0
0

January 20, 2020 | Huwag maging petiks at laging makuntento kung pwede namang i-challenge pa ang sarili mo.

Hello mga Iponaryos! Parami na tayo nang parami kaya naman natutuwa ako dahil marami na talaga ang mga natututo sa pag-iipon! Kaya siguradong marami na rin ang magiging milyonaryo d’yan!

Oy, huwag n’yo akong kalimutan ah. Lol!

But kidding aside, alam ko ngayong 2020 marami talaga tayong goals sa buhay. Marami tayong plans sa sarili natin at sa ating pamilya, kaya naman naisipan kong gawin ang mga ito.

COUPLE IPON  CHALLENGE

Kung kayo ay mag-asawa or engage na kayo, subukan n’yong gawin din ito. 

So sa tuwing pay day n’yo, magtabi ng 500. O kung magkanong halaga ang mapagkasunduan ninyong dalawa. Magandang simula ito para sa future and dreams ninyong dalawa.

Pwede rin naman na every monthsary ninyo, magtatabi kayo para naman sa dream wedding or dream house ninyo. Basta anything na gusto ninyong matupad.

Kung ikaw naman ay single, pero maraming tropa! Oh gawa rin ng

BARKADA IPON CHALLENGE

Oo pwede yan!

Ipon challenge para sa travel goals ninyo! Imbes na ipang milk tea n’yo, itabi n’yo muna para sa ipon challenge ng barkada.

O kaya naman kung gusto n’yo ng get together sa Pasko, oh, ‘di ba may 12 months talaga kayo para mapag-ipunan ito!

Syempre bawal ang utang dyan! Hahaha!

Dapat magtulungan para sa dream din ninyo. Huwag puro drawing, kailangan may action din!

At syempre, hindi naman mawawala ang

60K IPON CHALLENGE

Ito naman yung kada may matatanggap ka na sukli o kaya naman galing sa sweldo mo, pwede kang magtabi ng certain number of bills para mabuo ang 60K Ipon Challenge!

You will just shade the circle sa aking Piso Planner. So ikaw na rin bahala kung para saan ang 60K na maiipon mo. Pwedeng panimula ng emergency fund n’yo o kaya naman pang tuition ng anak n’yo.

Ang mahalaga magkaroon ng disiplina para mag-ipon at huwag matakot sa mga challenges sa buhay dahil marami tayong matutunan sa mga ito.

“Huwag maging petiks at laging makuntento

    1. kung pwede namang i-challenge pa ang sarili mo.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Anu-ano ang  mga couple goals ninyo?
  2. Anu-ano ang mga plans ng barkada ninyo?
  3. Paano mo makukumpleto ang iyong 60K Ipon Challenge?

As a response to the recent Taal Volcano eruption, we  extend help to the victims in our own simple way.

For every purchase of Piso Planner Kit, we will donate 1 pair of slippers.

Piso Planner Kit includes: 

PISO PLANNER with FREE Dairy of Pulubi and Ipon Diary

BY INVESTING P499 + 100 SHIPPING FEE, Nakapagbadyet ka na, nakatulong ka pa!

Grab now and use the #TaalRelief.

Click here: http://bit.ly/36Zgj7q

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/ 

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/   

The post CHALLENGE ACCEPTED appeared first on Chinkee Tan.

PAANO AASENSO ANG BUHAY MO?

$
0
0

Hindi sapat na gusto nating umasenso. Kailangan ay alam nating simulan ang ating plano.

Marami ka bang plano pero puro plano na lang at wala namang sinisimulan?

Hanggang kwento na nga lang ba ang plano mo?

Bakit hindi ka pa nag-uumpisa magnegosyo?

Ilan lamang ito sa mga tanong ko sa inyo mga Iponaryos! 2020 na at kung may naiisip kayong negosyo, this is the best time to start it!

So bakit mo nga ba kailangan simulan na ang negosyo?

YUNG KITA MO BA NGAYON AY KAYANG SUPORTAHAN ANG PAMILYA MO 5-10 YEARS FROM NOW?

Kung sa tingin mo hindi rin tumataas at umaasenso ang buhay n’yo kahit may trabaho ka pa, ito na ang panahon para simulan mong gumawa ng sarili mong pangalan.

Hindi mo agad iiwan ang trabaho mo, pero tuwing off mo or free time mo, maghanap ka ng mga bagay na maari mong pagkakitaan na hindi makasisira sa trabaho mo.

Pag-aralan mo nang mabuti at alamin mo ang pasikot-sikot ng negosyo hanggang matutunan mo kung paano ito i-manage at i-market sa ibang mga tao.

MASAYA KA BA NA MAKASAMA SA TRABAHO ANG MGA KASAMA MO NGAYON 5-10 YEARS FROM NOW?

Kung lagi kang nai-stress sa mga katrabaho mo at ibang mga tao sa paligid mo, then think again.

Walang perpektong workplace at environment. Laging mayroong problema at stress pero kung to the point na hindi na healthy ang work environment mo at nagiging sanhi ng pagkakasakit mo, it’s time to look for new venture.

Kumbaga kung karpentero ka ngayon, hindi naman pwede na habang buhay kang karpentero dahil tatanda ka rin. Kailangan na matutunan mo kung paano na bumuo ng sarili mong grupo.

MASAYA KA NA BA SA GINAGAWA MO NGAYON?

Sa tingin mo ba ito na talaga ang calling mo? Do you think that you serve your purpose to others?

Siguro kung nagsisimula ka pa lang magtrabaho, kung newly grad ka pwede ka pang sumubok  ng iba’t ibang trabaho.

Pero kung nasa 30’s ka na, I highly suggest that you really have to find a stable career. Simulan mo na ang sarili mong negosyo at gumawa ng sarili mong trademark.

Dahil tandaan:

“Hindi sapat na gusto nating umasenso.

Kailangan ay alam nating simulan ang ating plano.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

1. Anu-ano ang mga naiisip mong plano para sa negosyo mo?

2. Saan ka magaling at paano mo ito magagamit sa negosyo?

3. Magkano ang target financial goal mo ngayong taon?

Watch my YouTube Video here:

Paano Aasenso Ang Inyong Buhay Panoorin Mo To

https://youtu.be/sSJZos30iTY

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! Check it here: https://lddy.no/8var

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PAANO AASENSO ANG BUHAY MO? appeared first on Chinkee Tan.


FRIENDSHIP ENDS

$
0
0

Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi dapat nauuwi sa gamitan.

Nakalulungkot din isipin kapag ang pagkakaibigan ay nasisira dahil lang sa pera. Kaya naisip kong gumawa ng blog patungkol dito.

Anu-ano nga ba ang mga nakasasakit sa damdamin ng isang kaibigan at bakit nagkakaroon ng tampuhan pag dating sa pera?

UTANG PA MORE

Ito yung mga “kaibigan” na mahilig mangutang pero napakahirap singilin. To the point na ikaw pa ang mahihiyang maningil sa kanila! Haha!

Minsan ang mas masakit pa rito ay yung makitang #FeelingBlessed pa ang mga post. Then hindi ka rin naman makapag-comment ng “Uy bayad mo” kasi panira sa masayang moment eh.

So magiging isang malaking LESSON learned s’ya sa iyong buhay.

PALIBRE PA MORE

Ito naman yung mahilig magyaya. Mahilig gumimik at makipag-bonding pero sa huli laging nakalilimutan ang wallet o kaya naman biglang tinatawag ng nature kapag bayaran na!

Masaklap pa rito, kapag nagsabi ng “Sharing na lang”. Ang order mo kape, then sya buffet! Tapos sharing sa bayaran? Lol!

Nakadadala yung mga ganitong tao ‘di ba? Mapapaisip talaga tayo kung kaibigan nga ba ang turing sa ‘yo.

BILI PA MORE

Ah ito naman yung hindi naman nangungutang, hindi rin naman nagpapalibre pero madalas sumasama sa lakaran. Kahit halos walang-wala na. Sige sama pa rin!

Hindi naman masamang makisama sa iba, kaso kailangan nasa budget pa rin. Kung yung kasama mo lagi ay mas mataas naman ang posisyon sa ‘yo, baka siya ay keri n’yang mag milk tea araw-araw.

Pero kung ordinaryong mamamayan tayo, kailangan ay matutong magbadyet at humindi kung kinakailangan. Tandaan na ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dami ng kinainan  n’yo kundi sa dami ng makabuluhang usapan ninyo at…

“Ang tunay na pagkakaibigan ay hindi dapat nauuwi sa gamitan.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

1. Bakit mahalaga ang pagkakaibigan?

2. Sinu-sino ang mga taong tinuturing mong totoong kaibigan?

3. Ano ang pinaka nakadadalang karanasan ang natutunan mo sa isang taong tinuring mong kaibigan?

Watch this new video in my YouTube Channel:

Sira Ang Pagkakaibigan Dahil sa 5 Money Situations Na Ito

https://youtu.be/4oMc_pihtSI

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post FRIENDSHIP ENDS appeared first on Chinkee Tan.

HELP!

$
0
0

 

January 23, 2020 | Ang pagkakaiba ng nagmamagaling sa marunonga ayang hindi pagtanggap ng tamang tulong.

May nakilala ka na bang tao na maraming beses nang nalugi sa negosyo? O kaya naman ilang beses nang naloko sa negosyo? Pero kahit ganito, hindi pa rin sila humingi ng tulong sa mga tamang tao?

Allow me to tell you some of the reasons why people keep on failing in their business. Hopefully, you will learn so you can succeed in your business endeavours.

POOR PLANNING

May iba na puro plano pero walang aksyon. Yung iba naman puro aksyon, wala namang plano. Ang kailangan ay may plano at may tamang aksyon para dito.

Halimbawa, gusto mong pasukin ang food industry kasi patok na negosyo ito. Isa kasi ito sa pangunahing pangangailangan ng tao. Pero maliban sa patok ito, dapat alam natin kung anong line of food ang papasukin natin.

Maliban pa rito, ano ang target area at customer natin? Alam dapat natin ang kailangan ng mga tao sa lugar para ito ang maging target natin.

TOO MUCH CONFIDENCE WILL KILL YOU

Parang kanta lang na too much love will kill you. Lol!

But kidding aside, kailangan marunong din tayong makinig sa opinyon ng mga taong marurunong sa negosyo. Maaring hindi natin pakinggan ang mga taong nega at puro paninira ang alam.

Pero kung mga experts na ang nagsasabi at hindi mo pa rin ito pakikinggan, then malaki ang chance na magkaroon ng problema along the way. Kaya sila tinawag na expert ay dahil malaki na ang kanilang karanasan at credible sila sa sinasabi nila.

TEST OF CHARACTER

Balikan na rin natin ang example ko kanina, kung food industry ang papasukin mo, in line ito with service. Meaning kailangan marunong ka rin mag-serbisyo sa ibang tao.

Kung ikaw ang tipo ng tao na mainit lagi ang ulo sa mga customers na nagsasabi ng feedback, eh baka mas mabuting ibang industry na lang ang pasukin mo.

In short, hindi lang kailangan patok na negosyo ang habol natin. Kailangan alamin talaga ang papasuking negosyo at aralin ang mga kwento ng mga experts dito dahil

“Ang pagkakaiba ng nagmamagaling sa marunonga ayang hindi pagtanggap ng tamang tulong.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

Anong business industry ang gusto mong pasukin?

Anu-anong katangian ang mga kailangan para magtagumpay sa negosyong ito?

Sinu-sino ang mga kilalang tao ang sikat sa larangan ng negosyong ito?

 

Watch my YouTube video:

8 Mistakes Of A Startup Entrepreneur Para Makaiwas Sa Lugi

https://youtu.be/J7Pot7qyn0c

 

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!

 

Register Now! Hurry and don’t miss this out!

Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post HELP! appeared first on Chinkee Tan.

S’YANG TUNAY

$
0
0

January 24, 2020 | Ikaw ang may hawak ng pera at hindi pera ang may hawak sa 'yo.

May kakilala ka ba na rich kid? Anu-ano ang mga katangian n’ya na napapansin mo?

May naalala ako nung kabataan ko, haha..

Syempre marami rin akong nakilalang mayaman talaga nung pinanganak na at mayroon din na yumaman dahil sa galing at pagsusumikap.

So allow me to share some of my observations.

ANG TUNAY NA MAYAMAN AY MAPAGKUMBABA

Grabe. Hindi mo nga aakalain na mayaman kasi marunong makisama at makibagay sa kahit kanino. They don’t even think that they are rich.

Yung mga hindi tunay, yun yung mga mayayabang. Lalo na yung mga anak ng mga sikat na personalidad. Kung iisipin magulang naman talaga nila ang mayaman.

Pero hindi ko naman yun nilalahat. May mga kilala rin ako na mga magulang na talagang pinapangaralan ang kanilang mga anak. Tinuturuan din nila kung paano makitungo nang maayos sa ibang mga tao.

ANG TUNAY NA MAYAMAN AY MARUNONG MAG-INVEST

Kayo nga magsabi nga kayo ng pangalan ng mga sikat na mayayaman na isa lang ang negosyo. Hindi ba lahat sila ay marami ang negosyo o properties?

Ganyan kasi ang totoong mayaman. Hindi lang basta kumikita okay na. Dapat alam din kung paano pa ito mapalalago. They also prioritize saving. Save then invest. Then kapag kumikita na, save uli then invest.

Saka na yung happy happy kapag na-meet na talaga ang goals. Marunong kasi sila maghintay sa tamang panahon para anihin ang kanilang ipinunla.

ANG TUNAY NA MAYAMAN AY ALAM GAMITIN NANG TAMA ANG PERA

They know the purpose of money: It is a tool – to make life better. Money is also a tool to help others and  be a blessing to others.

So yung una, to make life better. Yes. Pwedeng makabili ng mga pangangailangan natin sa pang araw-araw at pwedeng makabuhay ng pamilya.

At yung isa naman, to help others. Ang pera rin ay isang tool para makatulong sa iba. Maaaring makapagpatayo ng isang negosyo at maging trabaho sa maraming tao.

Lagi nating tandaan na

“Ikaw ang may hawak ng pera at hindi pera ang may hawak sa ‘yo.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

Anu-ano ang mga katangian ng isang mayaman na nais mong matutunan?

Paano mo madidisiplina ang iyong sarili upang maging isang ganap na mayaman?

Anu-ano ang mga nagawang mong nakabubuti sa iba gamit ang iyong pera?

Watch my YouTube video:

Buking ang Mayayaman Vs Tunay na Mayayaman

https://youtu.be/GWT_RQREwWM

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos.

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post S’YANG TUNAY appeared first on Chinkee Tan.

WORK SMART

$
0
0

Ang tunay na mayaman ay simple at smart ang katangian.

Bakit kaya ang mga bilyonaryo ay talagang successful sa kanilang business ideas? Hindi ba sila napapagod sa mga ginagawa nila araw-araw?

Ganito na lang mga KaChink, kung ikaw kumita nang malaki sa craft na mahal na mahal mo o gustong-gusto mo, hihinto ka ba? 

‘Di ba ang sagot n’yo ay hindi? So allow me to share with you in this blog ways on how to work smart.

NEVER STOP TO LEARN

Kung talagang subscribers at followers ko kayo lagi n’yo itong maririnig at mababasa sa mga write ups ko.

Mahalaga kasi na talagang alam natin ang business na ginagalawan natin. Bakit? Kasi marami na ang nagbabago. Mula sa simpleng flyers noon, ngayon nandyan na ang social media.

Kailangan alam natin ang alternatives sa business natin lalo na kung yung isa may cost at yung isa mas mura ang cost pero malaki naman ang return of income. So yung mga ganitong bagay, inaalam dapat.

START TO INNOVATE

Bakit sumikat ang isang unli rice na restaurant? Kasi imagine, ang lakas kumain ng mga Pinoy ‘di ba, tapos unlimited ang rice! Sa lahat ng mga kasabayan nilang kainan, sila lang ang ganun. 

So sila ang isa sa mga nagpasimula nun. Kaya isipin natin kung ano yung patok sa mga tao at kakaiba na rin compared sa mga competitors natin.

Hindi natin kailangan makipagsabayan lang sa ibang kung mayroon tayong unique na maibibigay sa ibang mga tao at makatutulong din sa kanila.

MAKE MONEY TO MAKE MORE MONEY

Tulad na rin ng sinulat ko sa blog ko kahapon, save, invest then save and invest uli. Learn how to delay your gratification. Saka na ang happy happy kapag na-reach na ang goals.

Habang hindi pa, tiis-tiis muna at matutong maghintay. Kahit lahat ng mga kaklase mo, kaibigan mo, nag-e-enjoy sa mga travel goals nila, sige lang. 

Huwag kang maiinggit kasi makakamit mo rin yun kapag naging succesful ka na rin sa negosyo mo. Don’t compare yourself to others. Hindi yun healthy sa iyong isipan. Tandaan na

“Ang tunay na mayaman ay simple at smart ang katangian.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

Anu-ano ang mga kailangan mo pang matutunan?

May naiisip ka bang kakaibang bihis ng iyong negosyo?

Anu-ano ang mga maaari mo pang pasukin na negosyo?

Watch this new video in my YouTube Channel:

Buking ang Mayayaman Vs Tunay na Mayayaman

https://youtu.be/GWT_RQREwWM

Discover the Secrets that Made Successful Chinoypreneurs Wealthy and How To Apply Them In Your Business and Life for only P799. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa!

Register Now! Hurry and don’t miss this out!

Click here: https://lddy.no/8vd7.

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/ 

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/   

The post WORK SMART appeared first on Chinkee Tan.

BEST MOM EVER

$
0
0

January 26, 2020 | Ang tunay na mayaman  ay simple at smart ang katangian.

Hindi naman Mother’s Day ngayon, pero naisipan kong magsulat ng blog para sa ating mga butihing ilaw ng tahanan, ang ating ina.

Napaka-blessed ko dahil nagkaroon din ako ng isang ina na talaga namang masasabi kong isang huwaran. Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagtagumpay sa buhay at kung paano kami umahon sa hirap noon.

Narito ang ilan sa mga katangian ng isang ulirang ina:

WALANG MASAMANG BISYO

Ang isang ulirang ina ay tumatayong isang mabuting halimbawa sa kanyang mga anak.

Alam n’yo mga KaChink, napakahirap manita ng anak kung nakikita nila na ginagawa naman ng kanilang mga magulang. Alam n’yo kung bakit? Kasi bumabalik lang yung bakit. Hahaha!

Minsan kapag pinagsabihan, ang isasagot pa ng anak ay ang mismong maling ginagawa ng magulang. Kaya naman, maging mabuting halimbawa dapat tayo sa ating mga anak.

Syempre hindi lamang ang mga ina, gayundin ang mga ama.

HINDI MAHILIG MAKIPAGTSISMISAN

Ito talaga yun eh! Umaga wala na sa bahay, nandun na agad sa kapitbahay at nakikipagtsismisan. Mas inuuna pa ang magsagap ng tsismis sa iba kaysa sa pamilya.

Grabe naman! ‘Wag ganun! Kailangan mas binibigyan natin ng oras ang ating pamilya o ang ating mga sarili. Hindi na kailangan pang sayangin ang oras sa pakikipagtsismisan pa.

Lalo na at hindi naman din ito makatutulong sa pag-unlad ng iyong sarili. Kaya dapat iwasan na ang mga hindi magagandang usapin patungkol sa buhay ng ibang mga tao.

HINDI GINAGAWANG RETIREMENT ANG ANAK

Syempre ito rin. Grabe naman na ginagawang retirement ang anak. Yung tipong ang investment ay ang anak.

Hindi ko talaga ito pinapaburan kasi dapat kapag naging isang magulang ka na, kailangan paghandaan mo hindi lamang ang buhay ng mga anak mo, kundi pati na rin ang iyong retirement.

Masarap na makitang tumutulong ang ating mga anak. Pero hayaan nating maging kusa ito mula sa kanila. Dahil 

 

“Ang isang tunay na ulirang ina ang hangad ay ang makabubuti sa kanyang pamilya.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

Anu-ano ang mga magandang pinagbago mo simula nang ikaw ay naging isang ina?

Paano mo binabahagi ang iyong panahon at oras para sa iyong sarili at sa iyong pamilya?

Paano mo tinuturuan nang tamang paghawak ng pera ang iyong anak?

 

Watch my YouTube video:

10 Katangian Ng Isang Ulirang Ina

https://youtu.be/aN7VNSzbtZ0

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

 

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/ 

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/   

 

The post BEST MOM EVER appeared first on Chinkee Tan.

THE HAPPY WIFE

$
0
0

Ang pagiging isang ulirang ina ay hindi matutumbasan ng pera."

Anu-ano nga ba ang mga katangian ang gusto natin sa isang asawa? Syempre marami ‘yan. Pero kadalasan talagang mas nakikita natin ang kanilang katangian kapag sila ay naging isang ina.

Kaya naman naisip kong mahalaga rin ang role nating mga mister para maging isang Happy Wife si misis upang mas magampanan niya ang kanyang pagiging isang ina.

Ang isang happy wife ay…

PINAPAKILALA ANG DIYOS SA ANAK

Mahalagang maturuan at magabayan nang tama ang ating mga anak dahil ito ang isa sa mga bagay na dadalhin nila hanggang sa kanilang paglaki.

Isa sa mga paraan upang magabayan sila ay ang pagiging malapit sa Panginoon at ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Kanya.

HUWARAN NG MGA ANAK

Hindi na kailangan pa itong ipaliwanag nang husto. Napakasarap sa pakiramdam at nakaka-proud bilang isang mister na makita ang kanyang misis na isang huwaran.

Hindi lamang sa paningin ng ibang tao, kundi higit sa lahat ay sa inyong mga anak. Parang tumama ka na sa lotto pag ganito! Lol! Higit sa pisikal na anyo, ang mahalaga ay ang kabutihan ng puso na nakikita mismo ng ating mga anak.

TINUTURUAN MAG-IPON ANG ANAK

Kapag nakita nating mga mister na ang ating misis ay tinuturuan maging masinop sa pera ang ating mga anak, confident din tayo sa magiging future ng ating mga anak.

Lalo na sa mga OFW dyan na nagpapadala ng mga pera sa inyong pamilya. Mahalaga na team kayo at hindi nasasayang ang pinapadala ninyo para sa inyong pamilya. Lalo pa’t…

“Ang pagiging isang ulirang ina ay hindi matutumbasan ng pera.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

Ano ang pinakamagandang katangian ng inyong asawa?

Paano niya tinuturuan ang inyong mga anak?

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang ulirang ina para sa inyong mga anak?

Watch my YouTube video:

10 Katangian Ng Isang Ulirang Ina

https://youtu.be/aN7VNSzbtZ0

Allow us to mentor you using these simple guide through our books! Get the Happy Wife Happy Life + FREE Pera ni Mister, Pera ni Misis for only Php400 + 100 shipping fee.

Build a stronger marriage now. Click here: http://bit.ly/2vjgeh7

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post THE HAPPY WIFE appeared first on Chinkee Tan.

THE FRUIT OF LABOR

$
0
0

Kilalaning mabuti ang money personality ng iyong mapapangasawa para kampante ka sa ugaling mamanahin ng inyong magiging chikiting.

 

Kung magkakaanak ka, o kung may anak ka na, anong financial lesson ang gusto mong maisabuhay niya hanggang sa pagtanda?

Isa ito sa mga tanong na importante pero hindi gaanong napag-uusapan ng mga couples. 

Maging matipid? Matutunang mag-ipon? Mag-invest?

Napakasimple. Pero para ma-adapt ito ng mga chikiting, kailangan itong pagplanuhan nang mabuti.

IT HAS TO START FROM US

Tayo ang unang role model ng mga magiging anak natin. Kung anong gawin natin, maaari nilang gayahin. Sa mga simple o maliliit na gawain o habit natin mauunang matuto ang mga bata. 

Kung hindi ka pa kasal sa iyong partner, at kayo’y engaged palang, mabuting i-take advantage ninyo ito para kilalaning mabuti ang money personality ng isa’t isa. 

Oo, mabait siya, mapagmahal, maalaga, at mapagpasensya… pero bilang mag-asawa, mahalaga na alam ninyo kung paano humandle ng pera ang inyong magiging asawa. Because money and marriage should always coincide with each other, aminin man natin ito o hindi.

TRUST IS A RESPONSIBILITY

May cliché practice sa pag-aasawa na ang misis ang dapat humawak ng pera. Pero para sa akin, hindi ito applicable sa lahat. Ang pera ni mister, ay pera ni misis din, and vice versa. Kung nakilala ninyo na ang money personality ng bawat isa, alam n’yo na rin kung sino ang mas katiwa-tiwala sa pag-handle ng pera. At kapag ikaw na ang napiling humawak ng finances, that trust should be your responsibility na. Responsibilidad mo nang panindigan ang mabuting pagma-manage nito.

Kapag nagawa nang maayos ang responsibilidad na ito, tiyak ay maa-adapt din ito ng mga anak ninyo. Your child will learn that every trust comes with a big responsibility.

THE FRUITS OF LABOR

Ang madalas ko ngang sabi sa aking mga talks, marriage is like a workshop: the other one works, the other one shops. Haha! Pwede naman eh, as long you have enough money to shop, pwedeng magwork and shop ang bawat isa.  

Yes, work and shop. Magtrabaho muna, magtabi muna ng savings, saka gumastos sa ibang bagay gaya ng shopping, travel, at eat out. If we practice this habit consistently, matututo ang mga bata na hindi lahat ng pera ay dapat gastusin sa kung saan-saan. 

Let the fruits of your labor grow, and your children will grow with the right mindset, too. Pwede sila i-practice na at saka na lang sila bibilhan ng mga laruan, kapag may nagawa silang mabuti at kapag may sapat na perang pambili lamang si nanay at tatay. 

Of course, gugustuhin ninyong ibigay sa inyong anak ang mga bagay na magpapasaya sa kanya pero hindi sa lahat ng oras ay dapat pagbigyan iyon, lalo kung kakapusin ang budget. Kapag nasanay ang anak sa ganitong mindset, tiyak ay matututunan din niyang maging disiplinadong tao pagdating sa mga sarili niyang gastusin someday.

 

“Kilalaning mabuti ang money personality ng iyong mapapangasawa para kampante ka sa ugaling mamanahin ng inyong magiging chikiting.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. May asawa ka na ba or engaged ka na?
  2. Ano ang money personality ng iyong asawa o fiancé?
  3. Paano ninyo hinahandle ang finances as a couple?

 

Watch: Team Kramer Family Matters With Chinkee and Novee Tan

 

Allow us to mentor you using these simple guide through our books! Get the Happy Wife Happy Life + FREE Pera ni Mister, Pera ni Misis for only Php400 + 100 shipping fee.

 

Build a stronger marriage now. Click here: http://bit.ly/2vjgeh7

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

 

The post THE FRUIT OF LABOR appeared first on Chinkee Tan.


#RoadtripGoals: Bago o Secondhand na Sasakyan?

$
0
0

Whatever you want to buy depends on your capacity to pay.

 

Maraming mga Pilipino ang naghahangad magkaroon ng sarili nilang sasakyan. Ngunit sa panahon ngayon, praktikal pa nga bang bumili nito?

 

Kung nais mong bumili ng kotse, maaari kang mamili mula sa brand new o second hand. Alamin natin ang mga pros at cons at kung alin nga ba ang mas worth it bilhin sa dalawa.

 

BRAND NEW CAR

Ang pinaka-advantage ng brand new car ay mas nagtatagal ito at hindi masisira agad-agad. Wala kang masyadong problema sa pagpapa-repair nito dahil ito ay bagong bili pa. Talagang angat ka sa iyong mga tropa pag nakita nilang may minamaneho kang brand new na kotse.

 

Pero, ang disadvantage naman ay mas mataas ang cost nito kumpara sa second hand. Bumababa rin ang value ng brand new car ng 10-15 porsyento kada taon. May mga obligasyon ka pang dapat bayaran every month tulad ng tinatawag na monthly amortization. 

 

SECOND HAND CAR

Sa second hand car naman ay wala ka nang aalalahanin pagdating sa monthly payment. Tiyak na hindi ka na mai-i-stress sa mga bayarin ‘di gaya ng brand new car. Hindi mo na rin iisipin ang mga monthly amortization, at iba pang mga fees. 

 

Ang disadvantage nga lang ng second hand car ay madali na itong masira. Kailangan na nito ng maraming repair at tuloy-tuloy na maintenance. Depende sa brand at condition na iyong mabibili, maaaring may mga scratches na ang kotse o kupas na ang pintura nito. 

 

TANUNGING MABUTI ANG SARILI

Bago bumili ng sasakyan, tanungin munang mabuti ang sarili kung talagang handa ka ba sa pagbili. Pa’no na lamang kung hindi ka na makababayad consistently? May mga tinatawag na late fees o interests, na kapag hindi ka nakabayad on time, maaaring ma-remata ang iyong kotse. Lahat ng pinaghirapan mong bayaran ay mawawala na lamang na parang bula. 

 

Isa pa, ang mga kotse ay hindi nag-a-appreciate in value, kung hindi nag-de-depreciate every year ng 10 percent. Ang 1.4 milyon na bili mo sa iyong kotse, ay pwedeng maging 500,000 pesos na lamang sa loob ng 5 taon. Talagang ikaw ay lugi kung sakali mang maisipan mo itong ibenta. 

 

Brand new man o secondhand, may kanya-kanya itong pros and cons. Ang importante sa lahat ay may kakayanan at may budget kang bumili ng sasakyan. Mas maganda kung talagang afford mo ito at mababayaran mo in cash. 

 

Kung anuman ang piliin mo sa dalawa, tandaan lamang na…

 

“Whatever you want to buy depends on your capacity to pay.” 

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Bakit gugustuhin mong bumili ng sasakyan? 
  2. Mas okay bang hulug-hulugan o bayaran ng buo ang bibilhin mong sasakyan?
  3. Paano mo mapag-iipunang mabuti ang pagbili ng sasakyan, brand new man o second hand?

 

WATCH: Anong Pipiliin mo: Brand New Or Second Hand Car?

 

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing. Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50. 

Click here to learn more: https://lddy.no/8vaq 

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

 

The post #RoadtripGoals: Bago o Secondhand na Sasakyan? appeared first on Chinkee Tan.

Itigil ang Bisyo, Maging Iponaryo!

$
0
0

January 30 | Learn to let go of vices and say yes to savings.

 

Kadalasan sa halip na maidagdag natin ang extra money natin sa ating ipon, nauuwi ito sa mga bisyo na hindi rin naman makabubuti sa atin. 

Ang mga bisyo, gaya ng paninigarilyo o pag-inom ng alak, ay maaring magdulot ng sakit sa ating katawan. At hindi magtatagal, darating ang panahon na maari din nitong kainin ang kakaunti nating naiipon. Start a healthy lifestyle and start saving more! 

Sa halip na sayangin natin ang ating pera sa bisyo na walang patutunguhan, bakit hindi na lang natin ito idagdag sa ipon natin? Malay mo sa pag-iipon ng barya o perang papel, makaka-ipon ka na ng 200k in a short period of time! 

Narito ang ilan sa mga paraan kung paano mo tatapusin ang bisyo mo at simulan ang isang better ipon journey: 

Planuhin ng Maigi ang ‘No Bisyo Challenge

Una sa lahat, change your mindset. Sa halip na waldasin ang iyong pera sa bisyo, idagdag mo na lang ito sa savings account mo. 

Siguraduhing may ideya at diskarte ka sa gagawin mong challenge. Mahalaga rin na buo ang desisyon mo sa iyong gagawin para hindi masayang ang effort mo. Planuhing mabuti ang gagawing pag-iipon. At ang pinaka-importante, dapat buo ang loob mong i-let go ang bisyo mo para hindi ka ma-tempt na sirain ang alkansya mo. 

Ang librong ‘My Ipon Diary’ ay makatutulong para bigyan ka ng tamang diskarte para masimulan mo nang tama ang iyong pag-iipon. Meron itong ‘Ipon Challenge’ para meron kang guide. 

Ihanda ang Tamang mga “Tools” 

Pagkatapos mong mag-desisyon na magsisimula ka ng mag-ipon, kailangan mong isaalang-alang ang mga tamang kagamitan. Sa likod ng librong ‘My Ipon Diary’, may nakalagay na sticker kung saan pwede mong ilagay kung para saan ang iyong ginagawang pag-iipon. At siyempre, kailangan mo ng lalagyan para sa pera mo. Pwede kang gumamit ng alkansya o kahit ng lumang bote. 

Simulan na ang Ipon Challenge 

I-execute mo ang iyong plano. Kapag may mga sukli kang barya, bente, singkwenta, o isang daan, itabi mo ito sa iyong lalagyan. Kung meron kang ‘Piso Planner’ pwede mong i-shade ang halaga na iyong itinabi. Maaring mahirapan ka sa simula pero unti-unti ka ring masasanay. Isipin mo na balang araw, magiging abot-kamay mo ang pinapangarap mong negosyo. 

Patuloy mong punuin ang iyong isipan ng kaalaman tungkol sa tamang pag-iipon. May mga resources na maaring pumuno ng mga kaalaman mo. Habang nag-iipon ka, maari ka ring matuto kung paano mag-budget ng tama. 

“Learn to let go of vices and say yes to savings.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

  1. THINK. REFLECT. APPLY.
  2. Anu-ano ang mga masasamang epekto ng bisyo?
  3. Bakit mahalaga ng pag-iipon?
  4. Ano ang mga maari mong itigil na bisyo para mas makapag-ipon? 

 

—–

Watch: TINIGIL ANG BISYO, NAKAIPON NG PHP 200K!

 

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

 

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/ 

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post Itigil ang Bisyo, Maging Iponaryo! appeared first on Chinkee Tan.

Abundance Mindset

$
0
0

January 31 | You should never allow yourself to have a poor mindset because you will only end up with too much regret.

Hello mga #Iponaryos!

May kilala ka ba na napaka negative mag-isip? O baka naman ikaw na ito! 

I am encouraging you to read this blog and watch my YouTube video. Bakit ba kamo? Kasi may mga hindi magandang epekto sa atin ang pagiging nega!

Tingnan mo baka nararanasan na ito ng mga taong malalapit sa ‘yo.

LAGING MAY PROBLEMA

“Naku ang dami-dami na namang bayarin.”

“Hay wala na naman tayong pera pambili ng mga’ yan.”

“Ang baba-baba ng sweldo! Kuripot kasi ng employer natin.”

Naku kaChink, kung lagi mo itong sinasabi at lagi na lang negatibo ang naiisip mo, lagi ka talagang mapapagod at mai-stress sa mga ito. Kasi kinuhuha nito ang energy mo.

Alam mo naman na may mga bayarin eh. Alam mo rin naman na may kailangan kang bilhin. Kaya kung magkano lang ang sweldo mo, ikaw ang mag-adjust dito.

Kung talagang kulang, maghanap ng iba pang pagkakakitaan… pero kung ikaw ay

LAGING WALANG TIWALA SA SARILI

Mahirap rin makahanap ng ibang mapagkakakitaan kung kada opportunity na dumarating ay nakikitaan mo agad na hindi mo kaya. 

Bakit hindi mo subukan? Kung challenging ito, pero worth it naman dahil may extra income ka, then gawan mo ng paraan para masolusyunan ang mga challenges.

Hindi pwede na naghahanap ng pagkakakitaan tapos may kaunting hirap lang, ayaw na agad. Walang mangyayari n’yan, dahil walang success ang hindi dumadaan sa challenges.

Kaya kung

LAGING TAKOT SUMUBOK

Ito na ang panahon para simulan mong mag-isip ng positibo. Isipin mo na kapag nagawa mo ito, mababayaran mo na ang mga bayarin na hindi natatakot kay Judith (due date) at Bill (bill ng kuryente, tubig etc…) lol!

Simulan mong magtiwala sa sarili mong kakayahan. Huwag mong ipasa lang ang bola kung kaya mo naman itong i-shoot ng 3 points. 

Maiksi lamang ang buhay kaya

“You should never allow yourself to have a poor mindset because you will only end up with too much regret.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

Anu-ano ang iyong mga problemang pinansyal?Paano mo ito nasosolusyunan?Ano ang gusto mong simulan para mas umunlad ang iyong sarili?

Watch my YouTube video:

Mayaman Ka Na Dapat, May Taong Sumisira Lang Sa Iyo (Part 1) 

Click here: https://youtu.be/bpbXoZlyB7s 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post Abundance Mindset appeared first on Chinkee Tan.

May Ibubuga Ka Pa Ba?

$
0
0

Kung puro negatibo ang iniisip mo, paano mo mapalalakas ang loob mo?

Feeling mo ba you’re too old to try new things? Parang dapat sa puntong ito ng buhay mo, sure ka na sa gagawin mo?

Pero bakit may pumupigil sayo? Natatakot ka ba na baka masayang lang ang oras at panahon mo dito?

Mgs kaChink, ang takot ay normal na pakiramdam lang. Pero maraming paraan para mabawasan ito o mawala ito.

KILALANIN ANG IYONG SARILI

Grabe naman, ilang taon ka na? Hindi mo pa rin ba kilala ang sarili mo? Lol!

But kidding aside, syempre sa puntong ito, alam mo na rin kung saan ka magaling hindi ba? Ito rin yung madalas nakikita ng ibang mga tao sayo.

Magaling ka sa sales, magaling kang maghandle ng customer, magaling ka makipag-usap, magaling ka magsulat, mahusay ka sa pakikisama sa mga katrabaho mo at iba pa.

PAGHUSAYAN ANG IYONG GALING

Ngayong alam mo na kung saan ka magaling, syempre hindi lang naman ang magaling sa mga yan di ba? Pero kung gusto mong mag-stand out, kailangan mo nang paghusayan ito.

Attend seminars, explore more and expose your self more in your own craft. Huwag kang makuntento sa kung ano na lang ang alam mo. Dahil marami pang bagay ang kailangan mong matutunan.

GAMITIN ANG IYONG KAALAMAN 

At sa puntong ito, gamitin mo na ang iyong nalalaman. Maaari mo na itong pagkakitaan at maaari mo na rin itong gawing extra income sa simula.

Huwag mo munang iwan agad ang iyong trabaho kung hindi ka pa masyadong sigurado sa iyong bagong tatahakin. Siguraduhin mong handa na ka na rin mentally dahil mahalaga na matibay ang iyong mag-iisip dahil

 

“Kung puro negatibo ang iniisip mo, paano mo mapalalakas ang loob mo?”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

Saang larangan ka ng industriya magaling?

Paano mo mas paghuhusayin ang iyong galing?

Anong negosyo ang maaring mong simulan mula dito?

 

Watch my Youtube video:

Mayaman Ka Na Dapat, 

May Taong Sumisira Lang Sa Iyo (Part 2) 

Click here: https://youtu.be/GGnqI-zYsR4 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram

https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post May Ibubuga Ka Pa Ba? appeared first on Chinkee Tan.

PARA SA PAMILYA

$
0
0

Ang work from home ay isang biyaya lalo na sa mga taong may inaasikasong pamilya.

Marami sa atin ngayon ang naghahanap na ng trabaho online dahil sa sobrang traffic — work from home, kumbaga. Pero ang iba iniisip na hindi rin nito mapapantayan ang mga trabaho sa labas.

Well, I disagree.  Madalas ko na rin itong nasasabi sa mga videos ko. I have my own team. Lahat sila virtual. Marami sa kanila ang full time, yung iba naman ay part-time.

Maraming advantages ang work from home.

 

SAVE MONEY

You can come as you are. Hindi mo na kailangan pang magkuntodo porma o ayos. Haha! Pero syempre may mga ilang home-based work na kailangan presentable.

Lalo na kapag may mga video call or meeting. Pero mas nakatitipid pa rin kasi hindi mo na rin kailangan mamasahe pa. Iwas tukso na rin sa mga yayaan na kain sa labas.

Dahil wala kang mga katrabaho na laging gutom at hihila sa ‘yo na kumain na lang sa labas. Lol! Maliban pa dito, mas mababadyet mo ang iyong kinikita kada buwan.

 

SAVE ENERGY

Hindi mo na kailangan mag-effort na gumising nang mas maaga para mag-prepare, tapos magco-commute pa na halos magpalitan na kayo ng mukha ng kasabayan mo, haha!

Less stress din. Well wala namang trabaho na hindi nakaka-stress, pero at least sa home-based work, maiiwasan na natin yung mga taong makasasabay natin sa byahe o kaya naman yung mga driver na halos pinapalipad na ang sinasakyan natin.

 

SAVE TIME

Oo naman! Imagine mo, hindi mo na kailangan magdagdag ng oras para sa byahe lalo na kapag nagco-commute! Ay grabe  talaga. May iba kasi halos umaabot sa 4 na oras ang byahe lang.

Imbis na tinulog mo pa yun o kaya kung may mga anak ka, yung oras na yun pwede na rin sa paggawa ng assignment. O kaya naman kung may kamag-anak o kapamilya na may sakit, mas maaalagaan din natin sila.

 

“Ang work from home ay isang biyaya

lalo na sa mga taong may inaasikasong pamilya. “

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Magkano ang naiipon mo mula sa trabaho mo ngayon?
  2. Ano ang pinaka-stressful sa work mo ngayon?
  3. Gusto mo rin bang maging isang virtual professional?

 

Please watch my YouTube video:

Don’t Miss This Top 8 Advantages of Working from Home

https://youtu.be/1exwhD5nFfQ

 

**BE A VIRTUAL PROFESSIONAL FOR ONLY P799** Click here: https://lddy.no/8vd8

 

Earn a Six Figure Income and Work in a Career You Love, Without Leaving the Comfort of Your Home.

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post PARA SA PAMILYA appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live