Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

COMMUNICATION IS THE KEY

$
0
0

Walang problema ang hindi nasosolusyunan sa mag-asawang marunong magpakiusapan.

Nag-away na ba kayong mag-asawa? Nagalit na ba kayo sa isa’t isa? Paano ba ninyo naayos ang inyong ‘di pagkakaunawaan? O iniisip pa rin ninyo kung paano ninyo ito maayos?

In this blog, let me share with you some ways to resolve a conflict in couples.

ATTACK VS. OPINION

Attack, ito yung wala pang argument pero out of nowhere bigla mo na lang maaalala ang naging issue ninyo noon at uungkatin na naman ngayon.

Opinion on the other hand, ito naman yung pagsasabi natin ng pananaw natin sa isang bagay na hindi kailangan iparating natin sa pagtatalo o pag-aaway.

Attack:

“Nasobrahan na naman sa toyo yung ulam. Lagi na lang ganito ang luto mo.”

Opinion:

“Mukhang nasobrahan ito sa toyo. Siguro next time, paunti-unti yung paglagay mo then tikman mo rin from time to time para malaman mo kung sakto na yung timpla.”

LISTENING VS. UNDERSTANDING

Lahat ay maari nating marinig pero hindi lahat ay kaya nating unawain. Kaya mahalagang may pag-uunawa pagdating sa pakikipag-usap lalo na kung nasa init tayo ng pagtatalo.

Listening:

“Mamaya na lang natin pag-usapan uli. Ayokong

magtalo tayo dito sa labas.”

“Bakit? Kasi ayaw mong aminin na mali ka?

O iniisip mo na naman na ako ang mali?”

Understanding:

“Mamaya na lang natin pag-usapan uli. Ayokong

magtalo tayo dito sa labas.”

“Sige. Magpapalamig na lang din muna ako.”

TALKING VS. COMMUNICATING

Sa kahit anong pagtatalo, nasa pagitan na ninyong dalawa ito. Huwag n’yo nang idamay pa ang ibang mga tao sa paligid ninyo sa mga problema ninyong mag-asawa. 

Hindi masama na humingi ng payo mula sa iba, pero mas mahalaga na kayo na mismo ang mag-usap.

Talking:

“Lagi ka na lang galit kapag pinag-uusapan

yung tungkol sa sweldo.”

“Paano ako hindi magagalit eh paulit-ulit

mong issue yung tungkol sa sweldo ko.”

Communicating:

“Saan ba napupunta ang sweldo mo? Pwede

na ba nating pag-usapan ito para maayos natin

yung pagbabadyet buwan-buwan?

“Anu-ano ba ang mga pinaggagastusan natin

kada buwan para matulungan din kita sa pagbadyet?

Tandaan na hindi kayo magkaaway ng asawa mo. Partner dapat kayo sa buhay. Kaya kung mayroon kayong ‘di pagkakaunawaan, matuto kayong mag-adjust para sa isa’t isa. 

“Walang problema ang hindi nasosolusyunan sa mag-asawang marunong magpakiusapan.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Lagi ba kayong nagtatalo sa iisang bagay at paulit-ulit ito?
  2. Ano ba ang puno’t dulo ng pagtatalo ninyo?
  3. Anong solusyon ang napagkasunduan ninyong dalawa upang ito ay maging maayos?

Watch this Youtube Video:

3 A’s to Deal with Angry Spouse

https://www.youtube.com/watch?v=gPnTqYJUaf8

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799**

 Click here https://lddy.no/8vdd 

 

 IN THIS EVENT YOU WILL LEARN

  • About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
  • To have a better and healthier communication between you and your spouse.
  • To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
  • The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
  • Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post COMMUNICATION IS THE KEY appeared first on Chinkee Tan.


FOREIGN LANGUAGE

$
0
0

Balewala ang pakikipag-usap kung hindi naman nagkakaunawaan. Kaya dapat willing kayong matutunan kung paano kayo magkakaintindihan.

Parati bang hindi kayo magkaintindihan ng mister mo? Para bang taga ibang planeta na s’ya dahil hindi mo na makausap nang maayos?

Ano nga ba ang maaaring gawin kapag si mister ay hindi na nagsasalita o naka-silent mode na? Hahaha..

ADOPT HOW HE COMMUNICATES

Alam kong may mga pagkakataon na mas makikilala ninyo ang isa’t isa kapag nagkatampuhan na o nagtalo. Mas lumalabas na kung paano rin ang naging upbringing sa inyo.

Hindi ko naman sinasabi na mag-away kayo para lang makilala ninyo ang isa’t isa. Ang sinasabi ko lang ay mayroon din kayong matutuklasan pa sa temperament ng partner n’yo.

May iba na kailangan muna mag cool down. Merong iba naman na salita nang salita. Ang iba  naman gusto matapos ngayon.  Habang ang iba, gusto ay bukas pa. So tbukas pary to learn how to adopt.

PLEASE PAUSE

Kung may point ang sasabihin ninyo, then say it. Pero kung nakikita n’yo nang ‘di pa rin nakikipag-usap si mister at salita pa rin kayo nang salita, then try to stop for a while.

Try to think saan ba nagsimula, ano yung pagkakamali n’ya, ano yung pagkakamali mo then isip ka ng possible solutions. Instead na magsisihan, pag-usapan ninyo kung paano kayo magmi-meet halfway para hindi na ito maulit.

RESPECT

The only way to gain respect is when you show respect to him. Applicable ito hindi lang sa mag-asawa kundi sa kahit na kanino pa. Kaya naman, always show respect to your partner.

Just keep in mind, alamin n’yo dapat ang problema. Hanapan n’yo ng solusyon at pagkasunduan n’yo. Stop blaming each other dahil hindi yun ang solusyon instead, talk heart to heart. 

Never be a foreigner to your own husband. Makipag-usap kayo sa language na magkakaintindihan kayo. Please don’t just take it literally. Kailangan kasi talaga ay matuto kayong mag-adjust dahil

“Balewala ang pakikipag-usap kung hindi naman nagkakaunawaan. Kaya dapat willing kayong matutunan kung paano kayo magkakaintindihan.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Ano ang pinakamatinding pagtatalo ninyo?
  2. Paano ninyo ito nasolusyunan?
  3. Gaano kahalaga ang pagsasama ninyong dalawa?

Watch this video:

Wives, Do These 3 Things When Your Husband Won’t Talk

https://www.youtube.com/watch?v=wwb_FMrUPHY 

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799**

 Click here https://lddy.no/8vdd 

 

 IN THIS EVENT YOU WILL LEARN

  •  About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
  •  To have a better and healthier communication between you and your spouse.
  •  To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
  •  The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
  •  Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post FOREIGN LANGUAGE appeared first on Chinkee Tan.

MONEY FIGHTS

$
0
0

Sa mag-asawa, kung ayaw n’yo ng giyera, dapat maayos ang usapin n’yo tungkol sa pera.

Nakarinig na ba kayo ng mga ganitong linya?

“Pera lang yan, pagtatalunan n’yo?”

“Hindi ka na naman sinusuportahan ng asawa mo?”

“Ikaw na lang lagi ang umiintindi.”

Mga linya ng mga kaibigan o kaya kaanak mo kapag ikaw ay naglalabas ng sama ng loob sa kanila. Mga linya na hindi naman nakatutulong din sa paglutas ng problema.

Bakit? 

I will share with you the three reasons why couples fight about money.

LACK OF COMMUNICATION

Maaaring big deal sa ‘yo ang pagbili ng asawa mo ng bagong bag pero sa asawa mo, hindi naman.

Maaaring hindi big deal sa ‘yo ang pagkain-kain sa labas pero sa asawa mo, big deal yun.

Kaya naman when it comes to money matters, kailangan alam n’yo kung ano ang priorities n’yo at pinag-uusapan talaga dapat ito. Hindi ibig sabihin na dahil mas malaki ang sweldo ng isa eh wala nang say ang isa.

Pag-usapan ito nang maayos at hindi ito kailangan pag-awayan.

BAD HABITS

Ikaw, kapag sweldo, kain agad sa labas. Ang asawa mo naman, online shopping agad. Oh ang saya! Kumusta naman ang savings n’yo?

O kaya naman swipe lang ng credit card, travel pa more, tapos kapag nandyan na ang bills, magkakagulatan na lang.

Naku kapag ganito ang laging habits ninyo, wala talaga kayong maiipon. Kaya dapat magtulungan kayo para makaipon para sa inyong future. Tandaan na hindi na rin kayo binata’t dalaga.

Mayroon na rin kayong pamilya na kailangan alagaan at retirement fund na kailangan simulan.

FAMILY SUPPORT

Sa kultura nating mga Pilipino, hindi talaga maiiwasan ang extended family. Kaya naman nandyan din ang pagtulong sa mga magulang o kaya mga kapatid.

Maganda rin na tumutulong sa pamilya, pero tandaan din na mayroon na kayong sariling pamilya kaya kailangan n’yo ring paghandaan ang mga pangangailangan ng inyong asawa at anak.

Kahit sinuman ang may final say sa inyo, mahalaga pa rin na pareho kayong nagkasundo at pareho kayong may boses sa bawat opinyon na nasasaisip ninyo.

“Sa mag-asawa, kung ayaw n’yo ng giyera, dapat maayos ang usapin n’yo tungkol sa pera.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Nagkaroon na ba kayong mag-asawa ng pagtatalo tungkol sa pera?
  2. Anu-ano ang mga pagbabago na ginawa ninyo para maayos ang inyong saving habits?
  3. Paano ninyo hinahati ang inyong mga sahod para sa pagtulong sa inyong pamilya?

Watch this video:

5 Most Common Money Fights of Couples

https://www.youtube.com/watch?v=nigAxC34zu4&t=468s

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799**

 Click here https://lddy.no/8vdd 

 

 IN THIS EVENT YOU WILL LEARN

  • About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
  • To have a better and healthier communication between you and your spouse.
  • To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
  • The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
  • Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post MONEY FIGHTS appeared first on Chinkee Tan.

THE PERFECT RELATIONSHIP

$
0
0

Behind every happy wife is a strong, supportive husband.

Sa isang relationship, mahalagang alam ninyo ng partner mo kung ano ang roles na gagampanan ninyo para ma-maintain nang maayos at pangmatagalan ang inyong pagsasama.

Pero the sad reality is hindi ito karaniwang nadi-discuss ng mga couples, hanggang sa dumating na sila sa marriage na wala nang takas at hindi na nagagampanan nang maayos ng isa ang role niya sa relationship.

Ano nga ba ang roles ng lalaki at babae sa relationship? Sa isang relationship, it’s highly-advised na ang lalaki ang mag-lead, habang ang babae ang maging support sa mga mahahalagang aspect ng relasyon. Head and neck, kumbaga.

Anong mahahalagang aspeto ng relationship ang kailangan ng leadership and support?

MENTAL STATE

For a relationship to work really well, kailangan balanse kayo ng mental state. Hindi pwedeng parehas kayong mainit ang ulo, galit, nagpa-panic, o wala sa mood.

Sa ganito papasok ang pagiging leader ng lalaki. Bilang kilala ang mga babae sa pagiging moody, at ang mga lalaki naman ay usually mga kalmadong tao, mabuting mag-lead ang lalaki sa pagpapakalma ng mental state ng kanyang kasintahan o misis.

Wala naman kasing mangyayaring maganda kung sa isang away o ‘di pagkakaintindihan ay pareho kayong mainit at galit. Aanhin mo ang pride kung mahal mo naman talaga ang tao? Mabuting isantabi ito para maging mas maayos ang pagsasama.

At siyempre, kapag ang lalaki naman ang mainit ang ulo o wala sa mood, mahalagang maging source of mental support ang babae. Huwag sabayan. Kung maaari ay palipasin muna ang init ng ulo ni mister, palamigin mo rin muna ang ulo mo, at saka kayo mag-usap dalawa nang mahinahon at maayos.

EMOTIONAL STATE

Ang mga babae, madalas ay emosyonal. Ang mga lalaki naman, mahilig magkimkim ng nararamdaman.

Sa isang relasyon, hindi pwedeng parehong emosyonal. Hindi rin pwedeng pareho kayong nagkikimkim ng nararamdaman. At lalong hindi pwedeng emosyonal ang isa, at nagkikimkim naman ng sama ng loob ang isa.

Kapag dumating sa sitwasyon na ang isa ay emosyonal o nagkikimkim ng saloobin, kailangan ay open-minded ang isa para balansehin ito. 

FINANCIAL STATE

Reality check, si mister talaga madalas ang breadwinner sa pamilya, habang si misis ay breadeater. Hahaha! Pero seriously, sa mga kalalakihan, mahalagang maging hardworking para sa mga gastusin sa pamilya. Para sa mga misis naman, kailangan ay maging wise budgeter at spender tayo para mabuti ang patutunguhan ng pinagpagurang pera ni mister.

Syempre, mas okay din kung pareho kayong kumikita ng pera. Para pareho kayong happy at hindi nagbabangayan sa pera.

“Behind every happy wife is a strong, supportive husband.”

–  Chinkee Tan  Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. May asawa o kasintahan ka na ba?
  2. Sino ang madalas nagli-lead at nagsu-support sa inyong dalawa?
  3. Paano magiging mas matibay ang pagsasama ninyong dalawa?

Watch this video:

Alamin Ang Role Ng Men and Women in Marriage (Part 2)

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd 

 

 IN THIS EVENT YOU WILL LEARN

  • About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
  • To have a better and healthier communication between you and your spouse.
  • To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
  • The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
  • Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post THE PERFECT RELATIONSHIP appeared first on Chinkee Tan.

THE BREADWINNERS

$
0
0

Mahalagang magtulungan sa pagbabadyet ang mag-asawa, para mas maging happy ang buong pamilya.

Sino ba ang kailangang maging breadwinner sa pamilya?

Si mister o si misis?

Well, mga ka-Chink, siyempre lalaki naman talaga ang dapat nagtatrabaho sa pamilya. Pero dahil moderno na rin ang mundo ngayon, hindi na rin bihira ang mga misis na nagtatrabaho rin para sa pamilya.

Bakit naman kasi magtatalo pa kung sino ang dapat maging breadwinner kung pwede namang parehas?

Kapag parehas kasing breadwinner si mister at si misis…

TEAM KAYO

Siyempre dahil mag-asawa na kayo, tulungan na kayo sa mga responsibilidad. Kung ang karaniwang set-up ay si mister ang breadwinner habang si misis ay budgetter, sa sitwasyon naman na kapag parehas kayong breadwinner, pareho din kayong budgetter. 

You will work as a team. Through thick and thin ng financial status ninyo, magtutulungan kayo dahil pareho kayong kumikita ng pera. Sakaling mawalan ng trabaho o bumaba ang kinikita ng isa, nariyan ang isa pa para umalalay at sumalo sa mga gastusin.

MORE FINANCIAL GROWTH AND OPPORTUNITIES WILL FOLLOW

Kung parehas kayong wise earner, wise spender at wise saver, panigurado magkakaroon kayo ng maraming opportunities para lalo pang mapalago ang finances ninyo.

Mula sa kinikita ninyo sa kanya-kanyang trabaho o business, maaari pa kayo magkaroon ng joint o collaborative business o investment. Basta magaling sa pagpaplano, panigurado panalo ang financial growth ng pamilya ninyo!

HAPPIER FAMILY

Sino ba namang gusto na palagi kayong kinakapos sa pang-araw-araw na gastusin? At sino naman ba ang may gusto na palagi kayong nag-aaway ng asawa mo nang dahil sa pera?

Ang away sa pera ay isa sa mga dahilan kung bakit nag-go-grow apart ang mag-asawa. Imbis kasi na magtulungan, ay nagsusumbatan pa.

Pero kung parehas kayong magaling sa pag-handle ng pera, everything will flow smoothly, pati na ang relationship ninyo as a whole. Maibibigay kasi ninyo ang pangangailangan ng isa’t-isa at ng mga anak ninyo, nang hindi kayo kinakapos sa pang-araw-araw na gastos.

“Mahalagang magtulungan sa pagbabadyet ang mag-asawa, para mas maging happy ang buong pamilya.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  1. Sino ang breadwinner sa inyong pamilya, si mister ba o si misis?
  2. Paano ninyo napagkakasya ang kinikita ng breadwinner para sa needs, wants, at savings ng pamilya?
  3. Paano pa mas mapalalago ang finances ng pamilya?

Watch this video:

Top 3 Benefits Kung Parehas Kayong Breadwinner Na Mag-asawa (https://www.youtube.com/watch?v=OJfgBVZSYog)

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd 

 

 IN THIS EVENT YOU WILL LEARN

  •  About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
  •  To have a better and healthier communication between you and your spouse.
  •  To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
  •  The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
  •  Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post THE BREADWINNERS appeared first on Chinkee Tan.

END COUPLE FIGHTS FOR A BETTER LIFE

$
0
0

Masaya ang buhay mag-asawa kung walang pagtatalo tungkol sa pera.

Isa sa mga importanteng bagay na dapat mapagkasunduan ng mag-asawa ay ang pera. Kailangan nilang planuhin nang maigi ang budget para sa bahay, kuryente, tubig, pagkain, pangangailangan ng kanilang mga anak, at iba pang mga gastusin. Subalit hindi rin talaga maiiwasan na magkaroon ng kaunting pagtatalo pagdating sa pera.

Bago pa man mauwi sa matinding hindi pagkakaunawaan, mabuti na masolusyunan na kaagad ang mga ganitong problema. Narito ang mga dahilan ng major money fights ng mag-asawa: 

Shopping and Saving Habits 

Shopping habits. Marami sa atin ang nawiwili bumili ng mga bagay kahit hindi kailangan at wala sa budget natin. Minsan nadadala tayo sa mga sale sa malls at sa kung saan-saan pa. Ito ay isa mga kadalasang pinagtatalunan ng mag-asawa. Iniisip ng isa na dapat mas magtipid pero ang isa naman ay nanghihinayang na hindi mabili ang bagay na hindi pa naman kailangan. Dapat ay matutong humawak ng pera. Kung hindi naman talaga kailangan ay pwedeng ipagpaliban na lang muna. 

Saving habits. Heto yung taong mas gustong maghigpit sa pera at ilagay na lang ang karamihan sa ipon. Walang masama sa pag-shopping at pag-iipon. The couple must find a balance between saving and spending. 

Who Pays for What and Who Has the Final Say

May mag-asawa na parehong kumikita at meron din namang isa lamang sa dalawa ang may income. Pero tandaan, the goal in marriage is not to compete with one another but to complete one another. Dapat ay magtulungan ang mag-asawa sa mga bilihin at babayaran. 

Maaring i-base sa personalidad ng mag-asawa kung sino ang may final say. Kung sino ang magaling humawak ng pera, maaring nasa kanya ang final say. Pwede namang magbigay ng opinyon ang asawa. Bawat isa ay may sariling abilidad na pwedeng gamitin para sa maayos na pagsasama. Pwedeng ang last say ay kung sino ang mas may alam sa particular na bagay. Find your strengths and support one another. Partners should be a team. 

Support For Extended Family

Hindi ito madali lalo na sa ating mga Pinoy. Hanggang kaya natin, gusto nating suportahan ang mga magulang at kamag-anak natin. Subalit, hindi sila ang priority kundi ang sariling pamilya. Kailangan ay magkaroon ng stand ang mag-asawa at kausapin ang mga ito ng malinaw sa priority nilang suportahan. They can still be a blessing to their extended families. Wala namang masamang tumulong, pero siguraduhin na merong matitira para sa sariling pamilya. At dapat okay sa parehong panig ang pagsuporta. 

“Masaya ang buhay mag-asawa kung walang pagtatalo tungkol sa pera.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  1. Anu-ano sa mga couple money fights ang naranasan n’yo na?
  2. Paano ninyo ito maso-solusyunan? 
  3. Paano n’yo pananatilihing maayos ang financial aspect ng iyong pamilya? 

Watch this video:

5 Most Common Money Fights of Couples https://www.youtube.com/watch?v=nigAxC34zu4&t=468s

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE LIVE SEMINAR FOR ONLY P799** Click here https://lddy.no/8vdd 

 

 IN THIS EVENT YOU WILL LEARN

  •  About the wrong ideas (myths) about marriage and how to bust them. Replace the myths with truths.
  •  To have a better and healthier communication between you and your spouse.
  •  To improve intimacy by understanding what intimacy truly means.
  •  The role of money in marriage; how to have the right attitude towards finances.
  •  Learn how your relationship can blossom by knowing and speaking the love language of your spouse 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post END COUPLE FIGHTS FOR A BETTER LIFE appeared first on Chinkee Tan.

MONEY TRAPS

$
0
0

Dapat partner kayong mag-asawa sa pagdedesisyon, lalo na sa pera dahil ito ay isang malaking obligasyon.

Naranasan n’yo na ba yung nagtataka kayo kung saan na napunta ang mga sinasahod ninyong mag-asawa? O kaya naman padating pa lang ang sweldo parang bigla na lang nauubos agad?

Alamin ang mga money traps na kailangan iwasan ng mga couple upang hindi mauwi sa pag-aaway at pagkalubog sa utang.

ZERO DOWNPAYMENT PLANS OR PROGRAMS

Ito yung makikita ninyo na wala namang downpayment o kaya zero interest kapag ginamitan ng card. Ang kaso, hindi n’yo rin namamalayan na yung monthly fee ay hindi n’yo pala kayang bayaran.

Madali lang mag-swipe, pero mahirap magbayad ng long-term installments. Kaya naman, if you want to buy something, buy it in cash. If you cannot afford it, don’t buy it. 

Pag-ipunan muna ito at paghandaan then saka na bilhin. Pero kung talagang kailangan at may babalik naman na kita at kayang bayaran ang utang, pwede ring gamitan ito  ng card.

FREE TRIALS

Ito naman yung mga subscriptions o kaya naman mga apps na sa simula ay may 30-day free trial. Then after certain days, mawawala na yung free trial.

Ang magiging kaso naman dito, mahu-hooked ka dito kaya pagkatapos ng free trial ay talagang mapapa-subscribe ka na o kaya naman ay mapapa-upgrade ka ng gamit mo.

PAYDAY LOANS 

Ito yung malupit kasi wala pa yung sweldo, pero umuutang na. So pagdating ng sweldo, wala na agad pera kasi naka-allot na pambayad. 

Ang nagiging problema dito ay kapag may “unexpected financial emergency” like may nagkasakit, nasira sasakyan, etc. Dun napupunta yung sweldo kaya yung utang hindi nababayaran. 

Ang ending, mababaon sa utang at ang worst pa ay magpatung-patong ang  mga ito. Kaya dapat ay magtutulungan kayo sa pagbadyet at paghandle ng pera.

“Dapat partner kayong mag-asawa sa pagdedesisyon, lalo na sa pera dahil ito ay isang malaking obligasyon.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga naranasan ninyong money trap?
  2. Paano n’yo nalampasan ito?
  3. Ano ang natutunan n’yo mula sa karanasan na ito?

Watch this video:

Top 3 Money Traps That Couples Should Avoid

https://www.youtube.com/watch?v=Wv6TzBLXSs8

**HAPPY WIFE HAPPY LIFE ONLINE COURSE FOR ONLY P799**

Having your dream marriage is within your reach! The answer and solution to all your problems is within your grasp. We can help you attain your dream marriage with our seminar… “HAPPY WIFE, HAPPY LIFE!”

Click here: https://lddy.no/8vdb 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post MONEY TRAPS appeared first on Chinkee Tan.

FINANCIAL LESSONS

$
0
0

Huwag sayangin ang blessings na natatanggap. Kailangan matutong mag-invest para sa hinaharap.

Anu-ano nga ba ang mga financial lessons na maaari nating matutunan kay Kobe Bryant? Grabe, nung nalaman ko ito, hindi lamang ako humanga sa kanya, talagang s’ya ay isang lodi!

Napakagaling hindi lamang sa larangan ng kanyang sports kundi pati na rin sa pagtaguyod sa kanyang pamilya at paghawak ng kanyang finances. Truly, I salute him! Bakit?

HE BUILT A HAPPY FAMILY

Despite his work, hindi n’ya pinabayaan ang pamilya niya. Hindi s’ya nawalan ng oras para sa mga ito. He made sure na makapupunta s’ya sa mga mahahalagang events ng kanyang pamilya.

Hindi n’ya hinayaan na makuha ng oras ng basketball at endorsement ang oras n’ya para sa kanyang pamilya. Higit sa lahat he left his family with financial security. 

HE INVESTED HIS MONEY PROPERLY

Kahit napakadami n’yang endorsement at sikat siyang basketball player, alam n’ya na ang kanyang trabaho ay hindi panghabang-buhay kaya naman nag-invest s’ya, pinalago n’ya ang kanyang pera.

Alam naman natin na maraming mga players na pagkatapos ng career nila, sila ay bankrupt na kasi walang naitabi at hindi nag-invest nang tama. Pero si Kobe, magaling s’ya sa kanyang finances. Malaki ang naipon nyang pera dahil nag-invest s’ya sa ibat-ibang companies.

HE USED HIS BLESSINGS TO BLESS OTHERS

Ito rin ang isa sa hinangaan ko sa kanya. Ginamit n’ya ang mga natatanggap nyang blessings para makatulong sa iba. Ginamit n’ya ang kasikatan para maimpluwensyahan ang kabataan to achieve their goals.

Naging boses din sya ng mga kabataan na naapektuhan ng gera. Sabi pa nga n’ya:

“If we can unite people who are willing to take a stand, miracles can happen… Together we have the power to save the world.”

Kaya naman para sa mga ama rin dyan, gawin nating huwaran si Kobe Bryant. Maging isang family man, matutong mag-invest nang tama at maging inspirasyon sa ibang mga tao.

“Huwag sayangin ang blessings na natatanggap. Kailangan matutong mag-invest para sa hinaharap.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Ikaw, ano ang mga natutunan mula sa buhay ni Kobe Bryant?
  2. Paano mo sini-secure ang finances ng iyong pamilya?
  3. Gaano kalawak ang kaalaman mo pagdating sa investment?

Watch this video:

Life And Financial Lessons From Kobe Bryant

https://youtu.be/rJgu4hpNnrk

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50. 

Invest and do the right thing. Click here https://lddy.no/8vaq

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post FINANCIAL LESSONS appeared first on Chinkee Tan.


WAIS SA CREDIT CARD

$
0
0

Huwag umutang para lang sabihin na nakaangat na sa buhay. Dahil pagiging masinop sa pera ang totoong sikreto ng tagumpay.

Bakit nga ba maraming nalulubog sa utang sa credit card?

In this blog I will share with you some tips on how to handle credit card payments mula sa mismong karanasan ni Ms. Bianca Gonzales-Intal.

CHECK YOURSELF

Syempre mahalaga yung kakayahan mo mismo na bayaran ang utang. Kasi halimbawa ang income mo is 10K then ang ginagamitan mo ng card ay halos 10K na rin.

O paano pa yung mga cash outs mo? In short, dapat mas mababa yung ginagamitan natin ng credit card sa actual income natin.

NEEDS VS. WANTS

Kailangan alamin natin kung kailangan nga ba talaga natin ang purchase na ito or gusto lang natin. Because we need to prioritize yung needs versus the wants.

Hindi income ang mag-a-adjust sa ‘tin. Tayo dapat ang nag-a-adjust sa income natin. Kung kailangan magbawas sa gastusin, dapat gawin ito para hindi malubog sa utang.

PAY IN FULL

Mahirap kasi na babayaran lang yung minimum na sinasabi ng bank. Napaka-tempting pero hindi ito smart way kasi mas mataas pa ang interest na pinapatong ng bank kaysa sa interest na nakukuha natin mula sa annual savings natin sa bank.

Kaya naman kung wala talagang pambayad para sa isang malakihang purchase, pag-ipunan na lang muna. Kaysa naman sa bumili ng mamahaling gadget o kung ano man na purchase pero ‘di naman kakayanin ang bayarin buwan-buwan.

Tandaan:

“Huwag umutang para lang sabihin na nakaangat na sa buhay. Dahil pagiging masinop sa pera ang totoong sikreto ng tagumpay.”
–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga paraan para ma-budget mo ang sahod mo?
  2. Nababayaran mo ba nang full ang iyong credit card due?
  3. Bakit mo kinailangang magpurchase gamit ang credit card?

Watch this video:

Ang Sikreto Sa Tamang Paggamit ng Credit Card Ibubunyag Ng Celebrity

https://youtu.be/0wNCubfCFK0 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post WAIS SA CREDIT CARD appeared first on Chinkee Tan.

THE MAMBA MENTALITY (PART 1)

$
0
0

Walang dapat ikatakot sa pagkakamali. Nakatatakot lamang ito kung hindi tayo natuto at inulit pa natin sa susunod.

Kilala ang yumaong NBA legend na si Kobe Bryant sa kanyang “mamba mentality”. Ano ba ito? Hindi lang ito applicable sa basketball kung hindi sa totoong pang-araw-araw na buhay natin.

Sabi ni Kobe sa isang interview noon, para ikaw ay magkaroon ng “mamba mentality”, kailangan…

HINDI KA TAKOT MAGKAMALI

Huwag mong ituring na failures ang mistakes mo. Instead, ituring mo ang mga pagkakamali mo bilang mga lessons learned na ia-apply mo sa buhay mo moving forward. 

Huwag mong i-down ang sarili mo, huwag mong hayaang malunod ka sa negative thoughts nang dahil sa mga pagkakamali mo.

Look at the brighter side of the situation. Naranasan mo na ang pagkakamaling iyon at alam mo na ang gagawin mo sa susunod para maiwasang maulit ang pagkakamaling iyon.

OUTWORK EVERYONE

Kilala si Bryant sa pagiging hardworking niya. He is always the first one to enter the court, and the last one to leave it. May dahilan kung bakit sobrang successful at nangingibabaw ang kanyang talento sa hardcourt – he always tries to outwork everyone. 

HIndi niya tineyk for granted ang talent at success niya. Sa halip, mas lalo pa siyang nagsumikap mag-practice at i-improve pa ang mga galaw niya sa hardcourt. 

Anuman ang mangyari, iwasang mawalan ng focus at ma-overwhelm sa craft mo. Be humble enough to know and accept na kahit gaano ka pa kagaling, may igagaling ka pa lalo kapag patuloy ang iyong pagsusumikap.

LOVE YOUR CRAFT

Ang sarap sa pakiramdam na kumikita ka ng pera habang ginagawa ang trabahong gusto mo, ‘di ba? Kaya mahalin mo ang trabaho mo.

Iwasan ang inggit, ang reklamo, at anumang unnecessary stress na maaaring magpawala sa focus mo sa iyong trabaho. Dahil kapag mahal mo ang trabaho mo, hindi mo mararamdaman na nagtatrabaho ka talaga.

“Walang dapat ikatakot sa pagkakamali. Nakatatakot lamang ito kung hindi tayo natuto at inulit pa natin sa susunod.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Watch my Youtube video:

10 Secret Rules of Kobe Bryant: Mamba Mentality (Part 1 of 2)

(https://youtu.be/qVQF5Qfluu4)

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano ang mamba traits na sa tingin mong mayroon ka?
  2. Paano mo pa mai-improve ang mamba traits na mayroon ka ngayon?
  3. Ano ang pwede mo pang gawin para magkaroon na rin ng iba pang mamba traits gaya ni Kobe Bryant?

Unlock all my online courses for only P1,598 (instead of P11,186) to be able to watch and learn for 1 year!

Yes! Unlimited Access For All Videos For One Whole Year!!! 

– Juan Negosyante

– How To Retire At 50

– Benta Benta Pag May Time

– Be A Virtual Professional

– Secrets of Successful Chinoypreneurs

– Happy Wife Happy Life Online Coaching

– Happy Wife Happy Life Live Seminar

– Ipon Pa More 

– Become A Master Prospector 

– Online Negosyante 

– Raising Moneywise Kids 

– First Million in Direct Selling 

– Stock Market for Every Juan with Marvin Germo

– Real Estate (NEW!)

Click here to register: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

   

The post THE MAMBA MENTALITY (PART 1) appeared first on Chinkee Tan.

INVESTMENT FOR BEGINNERS

$
0
0

Hindi lamang pera ang kailangan nating i-invest para umasenso. Kailangan din itong haluan ng tamang diskarte at mabuting ugali.

Kapag nagsimula na tayong kumita ng sariling pera, kadalasan ay nao-overwhelm tayo sa paggastos at soon, nagiging lifestyle na ang overspending na iyon.

Hindi natin agad naiisip ang iba pang bagay na pwede pa natin magawa sa perang kinikita natin, bukod sa gastusin lang ito nang gastusin hanggang sa mabokya ang laman ng wallet hanggang sa susunod na sweldo.

Pero hindi pa naman huli ang lahat para mag-ipon ka at i-invest para sa iba pang source of income ang pera mo. Kahit hindi ka masyadong maalam sa investments, o totally wala ka pang alam, you can still start your investments basta…

DO YOUR RESEARCH

Ang daming investment 101 modules na pwede mong basahin o panoorin online para sa mga beginner investors, kabilang na rin dito ang aking REAL ESTATE 101.

Alamin mo kung ano ang mga do’s and don’ts ng investments, magkano ang kailangan mong i-invest at magkano ang kikitain mo mula rito, saan magandang mag-invest, at ano ang mga risks dito.

Investing can be a bit complicated, lalo na sa mga beginners. Pero once na magkaroon ka ng sapat na kaalaman dito, siguradong magiging smooth na ang mga susunod na steps mo.

INVEST ON REPUTABLE COMPANIES

Hindi porke mura at sinabing low risk, ay okay ang investment. Investing is always a risk, kaya kung magri-risk ka, doon ka na sa siguradong kikita ka nang malaki dahil sigurado ka sa background ng kumpanyang pag-iinvestan mo.

BE DISCIPLINED

Isang golden rule sa buhay na kung gusto mong maging tunay na successful sa buhay, kailangan maging disiplinado ka. 

Ganun din sa iyong finances, especially kapag nagsimula kang mag-invest. Alamin kung ano ang worth the risk. At huwag kang basta-bastang gagawa ng desisyon na maaaring magpalugi sa investment mo.

Kapag kumita ka na nang malaki sa investment mo, i-invest mo rin ang perang kinita mo sa iba pang company. Para nanganganak ang perang kinikita mo. Huwag mo basta bastang ginagastos ang mga perang kinikita mo. Always find a way to make your money work for you.

“Hindi lamang pera ang kailangan nating i-invest para umasenso. Kailangan din itong haluan ng tamang diskarte at mabuting ugali.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Watch my Youtube video:

Best Investments For People Who Do Not Know How To Invest with Super Bianca

https://youtu.be/WRuaKrETjOg

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. May iba ka pa bang source of income bukod sa trabaho mo ngayon?
  2. Paano mo napalalago ang perang kinikita mo?
  3. Saan mo pa maaaring i-invest ang perang kinikita mo?

ARE YOU READY TO EARN PASSIVE INCOME FROM REAL ESTATE?

Introducing: Real Estate 101

Register Now for only 799!

Click here https://lddy.no/cvyq

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post INVESTMENT FOR BEGINNERS appeared first on Chinkee Tan.

HARAHAY

$
0
0

Kung gusto mo ng Peace of Mind sa retirement mo, simulan mo na ang pag-iipon sa susunod na sweldo mo.

Narinig n’yo na rin ba ang expression na “Harahay”?

Ito ang pinaiksing salita na “Hay! Sarap buhay!”

Ito talaga ang masasabi natin kapag alam nating secure ang future natin at may peace of mind tayo dahil nakaipon tayo ng ating pang retirement fund.

Kaya naman in this blog, I want to share with you the advantages of having a retirement fund.

INDEPENDENCE AND SECURITY

“Nak, baka may extra ka d’yan. Kailangan ko lang ng pambili ng gamot.”

“Sino kaya ang pwede pa nating lapitan ngayon?”
“Nakakahiyang lumapit na naman sa kamag-anak natin”

Grabe. Ganito ang mga linya kapag retired ka na at hindi mo ito napaghandaan. Yung halos magmakaawa na lang sa iba para lang humingi ng tulong. And I am telling you, napakalungkot talaga nito.

Kasi the moment na magretiro tayo at wala nang papasok na income, hindi naman matatapos ang mga gastusin natin ‘di ba? Pero hindi naman pwede na umasa na lang tayo sa iba.

Kaya mahalaga talaga ang may retirement fund para secured ang ating future.

HAPPY AND CONTENT

Sabi nga “Money can’t buy happiness.” 

Pero tingnan mo, masaya ka ba kung wala kang pera? Malungkot ka ba kung may pera ka? Siguro nga kailangan nating mahanap ang magpapakuntento sa atin.

Pero aminin din natin na mahalaga ang pera para sa pang araw-araw na pangangailangan natin. Kaya kung may retirement fund tayo, magiging masaya ang pagretiro natin.

Walang financial stress at emotional stress. Kahit naman sabihin natin na dapat tulungan tayo ng mga anak natin, kailangan alam din natin na may sariling buhay din sila.

May mga pangangailangan din sila at kailangan din nilang paghandaan ang kanilang retirement.

PEACE OF MIND

At ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit dapat ay may retirement fund tayo: Peace of Mind

Mas mae-enjoy mo ang retirement mo. Pwede kang mamasyal, kumain, manood ng sine, mag-relax, kasi alam mong secure ka at ang pamilya mo.

Kaya naman…

“Kung gusto mo ng Peace of Mind sa retirement mo, simulan mo na ang pag-iipon sa susunod na sweldo mo.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Magkano ang nakalaan para sa retirement fund mo mula sa sweldo mo buwan-buwan?
  2. Kailan mo gusto magretiro?
  3. Ano ang pinakamabisang paraan para makapag-ipon ka ng retirement fund mo?

Watch this video to learn more:

Ang Tamang Diskarte Sa Maginhawang Retirement Ire-reveal Ng Celebrity

Click here: https://youtu.be/obFvHIPa7Zk 

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: 

Invest and do the right thing. 

Click here https://lddy.no/8vaq

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post HARAHAY appeared first on Chinkee Tan.

THE MAMBA MENTALITY (PART 2)

$
0
0

Stop wishing and dreaming about what you want without action. Chase it. Do it. Yun ang tinatawag nating passion.

Ano ang passion mo?

Kung sa unang parte ng ating mamba mentality series ay natuto tayong magsumikap pa lalo araw-araw at  huwag matakot magkamali kung gusto nating maging isang mamba like Kobe, sa part na ito ay usapang passion naman tayo.

Kung si Kobe ay very passionate sa hardcourt, paano naman ikaw?

ARE YOU FOLLOWING YOUR PASSION?

Ginagawa mo ba ang mga bagay na interesado ka talagang gawin? Mga ka-Chink, iba talaga kapag ginagawa mo ang bagay na gusto mo, at kumikita ka pa habang ginagawa ito.

Sabi nga sa isang sikat na quote, “follow your passion, and success will follow.”

Masayang magtrabaho at kumita ng pera kapag mahal mo ang ginagawa mo. Each day, may ilu-look forward kang gawin, each day, gaganahan kang mas galingan pa.

Pero pa’no kapag nawawalan ka nang gana gawin ang passion mo?

DO IT EVEN IF YOU DON’T FEEL LIKE DOING IT

Kahit gaano mo pa ka-mahal ang pagba-basketball, pagsusulat, pagluluto, pagkuha ng mga larawan, pag-awit, o pagsayaw, may mga araw pa rin na mawawala ka sa mood para gawin ang passion po.

Pero kahit wala kang gana, tinatamad ka, o wala ka sa mood, gawin mo pa rin ito. Do it even if you don’t feel like doing it.

Maski sa akin nangyayari ito, my friend. May mga araw din na wala ako sa mood magsulat ng blogs, ng chapters ng aking mga libro, mag-record ng mga YouTube videos, pero ginagawa ko pa rin ang mga ito. Bakit? Because this is my passion. Gumawa ng content to help people become wealthy and debt-free.

Pero you may ask me, “Chinkee, pa’no kapag hindi ko alam kung ano talaga ang passion ko?”

FIND NEW CHALLENGES

My friend, alam mo man o hindi ang passion mo sa buhay, always find time to find for yourself new challenges and embrace them. Well, kahit naman din hindi mo hanapin, for sure may mga challenges na kusang darating naman talaga sa iyo.

Embrace them. Do not be scared of facing new challenges. Chances are, sa process ng iyong pagharap sa mga pagsubok na yun ay makita mo ang mga bagay na gusto mo talagang gawin. Maaari mong ma-realize kung ano ba talaga ang passion mo.

If you cannot follow your passion yet, find it first.

“Stop wishing and dreaming about what you want without action. Chase it. Do it. Yun ang tinatawag nating passion.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano ang passion mo?
  2. May araw na ba na nawalan ka ng gana gawin ang passion mo?
  3. Ano ang ginagawa mo to keep doing what you love?

Watch this video:

Be Successful Like Kobe Bryant: Panoorin Ang Kanyang 10 Secret Rules Part 2

Click here: https://youtu.be/yJxG8AlzWCE

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50.

Invest and do the right thing. Click here https://lddy.no/8vaq

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post THE MAMBA MENTALITY (PART 2) appeared first on Chinkee Tan.

A PURPOSEFUL LIFE

$
0
0

In order for you to really know your purpose in life, kailangan alamin mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay.

Every now and then, nadidinig natin ang tanong “What’s your purpose in life?”. At tuwing madidinig natin ang tanong na iyon, we often don’t have an answer.

Some people take decades para malaman nila ang kanilang purpose sa buhay. Some people fail, some succeed, at meron namang iba na alam na ang kanilang purpose ngunit nada-divert sila mula rito.

Bakit napakahalagana kailangan natin maunawaan kung ano ang ating life’s purpose? Here are 3 things I learned in life na maaaring makatulong sa inyo:

KNOW YOUR PURPOSE

In order for you to really know your purpose in life, kailangan alamin mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay because it’s so hard to go through life without knowing your purpose.

If you don’t have a purpose in life, you will not have any direction in life. Ang iyong purpose ang magsisilbing motivation mo sa tuwing makararanas ka nang matinding pagsubok.

Kung ang purpose na iyon ay hindi sapat to make you work hard, then clearly, you’re pursuing the wrong purpose. When you know your purpose in life, mas meaningful ang iyong existence dahil alam mo kung sino at ano ka, saan ka nanggaling, at saan ka papunta.

MAXIMIZE YOUR PURPOSE

Kailangan pagbutihan mo kung anuman ang ginagawa mo. Hindi porke nahanap mo na ang iyong purpose sa buhay ay magpapabaya ka na. Tandaan, hindi ka nakasisigurado kung kailan ka mamamatay kaya mabuting i-maximize mo na ito para walang pagsisisi sa huli. Live your life to the fullest.

GIVE AWAY YOUR PURPOSE

I-share mo ang purpose mo sa ibang tao. Importanteng malaman na ang ating purpose ay hindi ganap na maipahahayag hanggang makahanap tayo ng dahilan upang maibahagi ito sa iba. Hindi natin mahahanap ang totoong kahulugan sa buhay nang hindi nakakonekta ang ating sarili sa isang bagay na mas malaki pa kaysa sa atin.

When you live your life with a sense of purpose, nagsisimula kang mabuhay ng positibo at magsimula ka maghanap ng new opportunities.

“In order for you to really know your purpose in life, kailangan alamin mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Nahanap mo na ba ang iyong purpose sa buhay?
  2. Paano mo mina-maximize ang iyong purpose?
  3. Ano ang mga ginagawa mo para mai-share mo ang iyong purpose?

Watch this video to learn more:

KATOTOHANAN SA LIKOD NG PAGYAMAN NA DAPAT MONG MALAMAN

Click here:https://www.youtube.com/watch?v=uJPM6ReH7Mg&t=275s

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST:

Invest and do the right thing.

Click here https://lddy.no/8vaq

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post A PURPOSEFUL LIFE appeared first on Chinkee Tan.

MAMBA MENTALITY PRINCIPLES

$
0
0

It’s not how many times you fail, it’s how many times you pick yourself up.

Hanggang ngayon ay hirap pa rin paniwalaan ang nangyari kay Kobe Bryant at ng kaniyang anak na si Gigi. Lalo na dahil sa invincible niyang character na nilinang niya through intense focus on excellence sa loob at labas ng court. Kilala din si Kobe dahil sa kanyang “Mamba Mentality” which according to him means “to be the best version of yourself”. Para magkaroon din tayo ng Mamba Mentality, here are four mindsets that we need to possess:

HARD WORK

Sobrang cliche na sigurong sabihin na if you work hard, you can achieve anything. Ngunit hindi mo maikakailang totoo iyon. All of history’s greatest people have worked hard to get to where they are now. Through hard work, we gain experience. Ang experience na ito will help us to think smartly para ma-solve ang mga critical na problema at ma-achieve natin ang success.

KILLER MENTALITY

One thing Kobe’s is known for is he plays his every game as if it’s his last. This brings out the best of him whenever he plays. To succeed in life, kailangan meron kang lakas ng loob at determinasyon para harapin ang ano mang pagsubok na dumating sa iyong buhay.

THE DESIRE TO WIN

Ito ay ang kakayahang magtuon ng mga positive thoughts sa pagkamit ng bagay na nais ng karamihan. In every competition, whether sports or business, in order to be successful, every contender must exhibit a desire to win. Ang pagkakaroon ng desire to win ang magpu-push sa ‘yo para maka-achieve ka ng greater things.

Gusto niyo rin bang magkaroon ng best version of yourselves? Then I suggest i-apply din natin sa ating buhay ang mga  principles ng Mamba Mentality.

“It’s not how many times you fail, it’s how many times you pick yourself up.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Do you want to become successful?
  2. Are you willing to work hard?
  3. Do you have the killer instinct?

Watch this video to learn more:

4 Kobe Bryant’s Mindset To Be The Best Version Of Yourself

Click here: https://youtu.be/RVEmXwyh3H8

ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on  APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER”

Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post MAMBA MENTALITY PRINCIPLES appeared first on Chinkee Tan.


BUSINESS VENTURE

$
0
0

Always expect for the best but prepare for the worst.

Lagi kong naririnig mula sa iba ang mga tanong tungkol sa pagsisimula ng negosyo. Paano nga ba at anu-ano nga ba ang mga dapat alamin para makapagsimula ng negosyo?

In this blog, let me share some insights I’ve learned from my personal encounter with a very famous businessman, no other than, Mr. MVP.

YOU ONLY HAVE ONE SHOT, MAKE IT GOOD

Always think in closing deals with your customers, you have to prepare the FAQs (Frequently Ask Questions). This is your guide to answer objections.

Ikaw ba bibilhin mo ba yung produkto mo?

Bakit ako bibili ng produkto mo?

Anong meron d’yan na wala sa iba?

Kailangan din marunong tayo mag-innovate dahil

IF YOU DON’T INNOVATE, YOUR BUSINESS WILL DIE

Imagine kung lahat ng mga negosyo, nag-upgrade na, kayo na lang ang hindi, o ‘di ba? Mahuhuli talaga ang negosyo n’yo at ang worst thing na mangyayari ay mapilitan kayong magsara.

Pero tandaan na hindi naman dapat lahat i-upgrade na lang nang hindi inaaral. Lalo kapag mga machines or anything na related sa technology. Dapat pag-aralan din ito at tingnan kung magiging effective ba para sa company.

ADOPT TO CHANGE. LEARN NEW SKILLS.

Tayo rin mismo ay dapat nagle-level up. Hindi lang technology ang dapat nade-develop. Mahalaga na sumabay din ang ating sariling kaalaman.

Kaya learn new skills! Adopt to change, kaya nga may mga trainings and seminars para mas madevelop ang ating knowledge and skills. Don’t waste any opportunity dahil kailangan sa business na tayo ay laging handa.

“Always expect for the best but prepare for the worst.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Ano ang pinakamahalagang aral ang naranasan mo sa negosyo?
  2. Ano ang pinakamatinding pagsubok ang dumating sa inyong negosyo at paano ninyo ito nalampasan?
  3. Anu-anong skills ang kailangan mong i-develop?

Bakit Kailangan Mag-upgrade Tayo Sa Negosyo?

Payo Ng Isang Bilyonaryo Part 1

Click here: https://youtu.be/5x4l9IGS2dM

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. You can watch it anytime, anywhere for P799!

Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post BUSINESS VENTURE appeared first on Chinkee Tan.

IWAS SCAM

$
0
0

Prevention is always better than cure. Kaya alaming mabuti kung saan mo pinapasok ang pera mo para iwas manloloko at ikaw ay secured.

Naranasan mo na bang magkamali sa pera? Nagpautang sa iba pero hindi nabayaran? Nag-negosyo pero nalugi? Nag-invest pero na-scam?

Naku! Mahirap iwasan ang pagkakamali sa buhay, kasama na rito ang pag-handle ng ating kaperahan. Matinding disiplina at decision making ang kailangan mong gawin. Lalo na kapag nagsisimula ka pa lamang sa isang business o investment, tandaan na…

DO NOT INVEST ON SOMETHING YOU DO NOT KNOW

Be realistic. Alamin mo kung ano ang possible at imposible. Do your own research, especially sa investments. Kahit gaano pa kalaki ang sinabi sa ’yong kikitain mo sa isang investment, do not invest yet until you know what you are truly investing for. Huwag kang mag-i-invest sa isang bagay na hindi mo tunay na nauunawaan.

THE HIGHER THE INVESTMENT, THE HIGHER THE RISK

May mga investments na takaw-mata. Kapag mataas daw ang ininvest mo, mas mataas ang kikitain. Naku, my friend, the truth is, the higher the investment, the higher the risk. Mas mataas ang i-invest mo, mas mataas ang posibilidad na mawala ito.

Pero with the right research, timing, and advice from financial experts, maaari mong malagpasan ang risks na iyon.

Depende pa rin ito syempre sa kakayahan mong mag-invest. Huwag mag-invest ng perang hindi mo kakayaning mawala sa iyo. Lalong huwag mag-invest ng pera sa hindi mo mapagkakatiwalaang entity.

My friend, if it’s too good to be true, chances are it is not true.

NEVER INVEST BASED ON TRUST

Naku, mag-i-invest ka dahil may tiwala ka sa tao? Hindi ka lolokohin? Remember, the people who we think we can trust are the same people who can hurt us most.

Mag-invest based on research kung maganda ba ang background ng kumpanyang pag-iinvestan mo, afford mo ang investment na kukunin mo, afford mo ang risk na mawala sa ’yo ang perang ininvest mo, at kung kaya mong maghintay na palaguin ito.

Huwag mag-invest based on emotions. Baka ma-scam ka.

Always remember…

“Prevention is always better than cure. Kaya alaming mabuti kung saan mo pinapasok ang pera mo para iwas manloloko at ikaw ay secured.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Naranasan mo na bang magkamali sa pera?
  2. Ano ang naging karanasan mo?
  3. Ano ang lessons sa karanasan mo ang natutunan mo para sa susunod na investments mo?

Watch this video:

Para Maka-iwas Sa Lugi: Panoorin Ang 3 Tips To Avoid Scams

Click here: https://youtu.be/AtcsqDB0lX4

Matuto para iwas scam!

Enroll now sa aking online course HOW TO RETIRE BEFORE 50. Register Now for only 799!

RETIRE YOUNG AND LEARN HOW TO INVEST: Invest and do the right thing. Click here https://lddy.no/8vaq

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post IWAS SCAM appeared first on Chinkee Tan.

KEEP WORKING HARD

$
0
0

The real winners in life are those who never give up. Kaya laban lang patungo sa iyong pangarap!

Naranasan mo na bang kumita ng malaking pera? Ano ang ginawa mo nang matanggap mo ang halagang iyon?

Marami sa atin, hindi naman talaga ang liit o laki ng kinikita ang problema kaya walang ipon, kundi ang mismong paghawak natin ng ating kinikita. Maski kasi yung mga taong nasa six-digit ang kinikita, nagiging zero-digit din ang laman ng wallet pagkaraan ng ilang araw. Bakit? Kasi sila yung tipong…

FEELING ONE-DAY BILLIONAIRE

Kapag natanggap ang pinakahihintay na pinaghirapang paycheck ay kung saan-saan na ginastos ang pera.

Shopping dito, shopping doon. Foodtrip dito, foodtrip doon. Travel dito, travel pa more!

Anong sinasabi sa sarli tuwing nag-o-overspend?

“I deserve this!”

“I deserve a break!”

Anong nangyayari matapos ito? Break na rin ang laman ng savings account! Back to zero ang kinitang pera at maghihintay na lang ulit na malamanan ito sa susunod na sweldo.

My friend, kung gusto mong palaguin ang iyong pera, huwag mong isiping palagi kang mayaman. Darating ang araw na maaaring mawala ang main source of income mo, kaya bago dumating ang puntong ito, dapat handa tayo. 

NAG-I-INVEST BASTA-BASTA

If you have been following my vlogs for so long, alam mo na paulit-ulit kong sinasabi tungkol sa investment: never put your money in something you do not know. 

Do your research. Kahit gaano karami ang pera mo, maaaring mawala sa isang iglap ito nang dahil sa isang maling investment.

Mabuti ring kumonsulta sa isang finance expert para mapayuhan ka sa tamang paraan ng pag-i-invest ng iyong pera.

NAGPEPETIKS NA LAMANG

Ang iba sa atin kapag nagkaroon ng malaking pera, nagpepetiks na lamang. Hayahay sarap buhay! Pero sa totoo lang, my friend, kung marami ang iyong pera, mas dapat damihan mo ang iyong pagsusumikap na palaguin ito.

The more money you make, the harder you must work for it to grow further.

Kaya huwag kang titigil, huwag masyadong makampante. Tuloy-tuloy lang dapat sa pagsisikap!

“The real winners in life are those who never give up. Kaya laban lang patungo sa iyong pangarap!”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Watch my YouTube video:

Para Maka-iwas Sa Lugi: Panoorin Ang 3 Tips To Avoid Scams

Click here: https://youtu.be/AtcsqDB0lX4

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano ang kasalukuyang challenges mo sa iyong pera?
  2. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit mo nararanasan ang problemang iyon?
  3. Paano mo masusulusyonan ang iyong problema sa pera?

Unlock all my online courses for only P1,598 (instead of P11,186) to be able to watch and learn for 1 year!

Yes! Unlimited Access For All Videos For One Whole Year!!! 

– Juan Negosyante

– How To Retire At 50

– Benta Benta Pag May Time

– Be A Virtual Professional

– Secrets of Successful Chinoypreneurs

– Happy Wife Happy Life Online Coaching

– Happy Wife Happy Life Live Seminar

– Ipon Pa More 

– Become A Master Prospector 

– Online Negosyante 

– Raising Moneywise Kids 

– First Million in Direct Selling 

– Stock Market for Every Juan with Marvin Germo

– Real Estate (NEW!)

Click here to register: https://lddy.no/8vbk

Follow my Social Media accounts for more inspirational content, new products, and promos. 

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

   

The post KEEP WORKING HARD appeared first on Chinkee Tan.

LIMITED ANG INCOME? TIPS PARA MAPAGKASYA ITO

$
0
0

Malaking problema kung kulang ang pera.  Pero mas malaking problema ang hindi pagdiskarte para ito ay mapagkasya.

Kapapasok pa lang ng taong 2020 pero napakarami na mga problemang hinarap natin bilang isang bansa, bilang pamilya at kahit as individuals. Nandiyan na ang COVID-19 at iba pang mga kalamidad na wala talaga tayong kontrol. Ngunit may isang problema na tila nagiging “constant” na sa lahat at alam na alam ninyo ang tinutukoy ko: PERA.

Particularly, ang perang pumapasok o ang tinatawag natin na “income”. Sa YouTube video ko kung saan special guest si Ms. Karen Davila, natuto tayo sa ilan sa mga sekreto n’ya kung paano magpakasya ang limited income at nag-share din ako ng iba pang tips.

Here are the tips kung paano pwedeng pagkasyahin and income mo lalo na kung limited ito:

AGREE AS A FAMILY and ELIMINATE WANTS

Naibagahi sa YouTube video ni Ms. Karen ang living on one income. At upang ito at maging effective, kailangan ay may agreement kayong magkapamilya kung ikaw ay single pa o kayong mag-asawa (sa mga may asawa na). Pag-usapan kung kaninong income and gagamitin para sa panggastos at kung kaninong income ang pwede itabi para sa savings at investments.

Hindi madali ang mamuhay base lang sa isang source of income kung napakarami ninyong gusto bilhin lalo na kapag ang mga ito ay mga gusto o “wants” lang. Learn to eliminate wants for now dahil kung magpapatuloy kayo sa pagbili ng kung anu-anong gusto, tiyak mas magiging mahirap pagkasyahin ang limited na income.

LEARN HOW TO ADJUST YOUR EXPENSES and TAKE CONTROL OF YOUR SPENDING

I-adjust ang expenses ninyo sa income na natatanggap and hindi ang kabaliktaran. Kung ang kinikita ay Php20,000 sa isang buwan, i-budget ang mga bilihin nang maigi upang hindi ito magkulang.

Sale dito, sale duon! Hay nako! Huwag magpa-kontrol sa mga promo na iyan, at lalong ‘wag magpapa-kontrol sa kung anuman ang sinasabi sa social media. Ikaw o kayo ang dapat nagkokontrol sa paggastos at hindi ang kabaliktaran.

LIVE BELOW YOUR MEANS and ENTRUST THE MONEY TO THE ONE WHO IS THE EXPERT

Siguradong narinig n’yo na ‘to ng napakaraming beses pero sasabihin ko ulit: upang mapagkasya ang limited income, you need to live below your means. Kung ang kinikita mo buwan2x ay Php 20,000 huwag na huwag gumastos ng Php 23,000 o sobra pa sa kinikita dahil basic math will tell you na negative ka talaga sa lagay na ‘yan.

Sa mag-asawa, kailangan ninyong mag-agree kung sino ang mas may disiplinang humawak ng pera. Kung mas magaling si misis humawak ng pera, siya ang pagkatiwalaang mag-budget nito.

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Gusto mo bang matutong pagkasyahin ang limited income mo? 
  2. Bakit importante ang pag-uusap at pag-agree ng magkapamilya o mag-asawa sa paghawak o budget ng pera?
  3. Anong mga bagay ang mako-consider mong wants? Kaya mo bang i-let go ang mga ito?

“Malaking problema kung kulang ang pera.  Pero mas malaking problema ang hindi pagdiskarte para ito ay mapagkasya.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Watch my YouTube video: 

Paano Pagkakasyahin Ang Income Kung Limited Ito? Money Secrets Revealed

Click here: https://youtu.be/GwfjAOXH3Cw

Ipon Kit Buy 1 Take 1

When you purchase 1 set of Ipon Kit now, you will have another set for FREE! Instead of getting these for Php998, you can have these 2 sets for only Php499 + 100 shipping fee!

Get your kits now! Click here: http://bit.ly/2RmOHnl

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post LIMITED ANG INCOME? TIPS PARA MAPAGKASYA ITO appeared first on Chinkee Tan.

USAPANG NEGOSYO: MGA BAGAY NA HINDI GINAGAWA NG MGA SUCCESSFUL NA NEGOSYAN

$
0
0

Ang negosyo ay isang paglakbay ng walang katapusang pagkatuto.

Marami na akong mga nakausap at nakasalamuhang mga negosyante at karamihan sa kanila ay napaka-successful. Malamang ay marami na kayong narinig o nabasang mga tips galing sa kanila – mga anong dapat gawin para maging successful. 

Para maiba naman, tiningnan ko at pinag-aralan ang mga bagay na HINDI nila ginagawa at sa hindi paggawa ng mga ito, ay umunlad lalo ang kani-kanilang mga negosyo.

Gusto ko lang i-share ang mga ito:

HINDI SILA NAG-AAKSAYA NG ENERGY at ORAS

Halimbawa na lamang ang traffic. Kung ikaw ay magagalit sa mga drivers na walang disiplina, mawawala ba ang traffic? Alam naman nating kahit anong galit natin sa traffic na ‘yan ay wala talaga tayong magagawa dahil mukhang out of control ‘yan. Sa halip na mag-apoy ka sa galit, bakit hindi ka na lang magbasa ng news? O mga business books para mas mapalawak mo ang kaalaman mo sa business, ‘di ba?

Time is gold ika nga. Kung may chance lang tayo na tingnan ang calendar for the day ng isa sa mga pinakamayaman at successful na businessman sa buong mundo siguradong walang nakalagay dun na “Netflix binge watching schedule”. 

Dahil na ang bawat segundo ng isang successful na negosyante ay maaaring i-translate into sales, hindi nila kayang mag-aksaya ng oras sa mga bagay na walang kwenta.

HINDI SILA SUMUSUKO NANG BASTA BASTA 

Nakabasa ka na ba ng success story ng isang negosyante? Malamang naibahagi niya ang mga panahong muntik na siyang mag give up pero hindi niya ginawa. Walang successful na negosyante ang nag give up dahil kung ginawa niya yun, hindi siya naging successful to begin with.

HINDI NILA PINI-PLEASE LAHAT NG TAO  at HINDI SILA GUMAGAWA NG PAREHONG PAGKAKAMALI

Alam ng isang successful na negosyante na “you cannot please everybody”. Kung may ayaw sa business niya o kaya nagsasabi ng hindi magagandang komento, pinapa-alalahanan niya ang kanyang sarili na isa iyon sa mga taong hindi niya na-please at hindi mapi-please. Hindi pupwedeng babaguhin mo na lang ang mga bagay-bagay para lang ma-please ang lahat dahil hinding hindi mangyayari iyon.

Isa sa pinaka-importanteng bagay para sa mga successful na negosyante ay ang pagkatuto sa mga maling nagawa. Sa halip na maulit ito, natuto sila mula rito at ginagamit ang mga natutunan para mas mapabuti ang negosyo.

Kaya tandaan,

“Ang negosyo ay isang paglakbay ng walang katapusang pagkatuto. ” 

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Bakit kaya importante na matuto tayo mula sa mga successful na mga negosyante?
  2. Higit pa sa mga tips o payo nila, bakit mabuti ring matuto sa mga bagay na hindi nila ginagawa?
  3. Anong mga bagay ang natutunan mo at ina-apply sa iyong negosyo na galing sa mga successful na negosyante na hinahangaan mo?

Watch my YouTube video: 

Paano Umunlad Sa Negosyo? Tips Mula sa Bilyonaryo Part  h3. Click here  https://youtu.be/Xd64gI_RG3s

Join “ONLINE NEGOSYANTE: Paano Kumita Gamit ang Social Media” and learn how you can earn a lot of money and be successful using Social Media 

Click here to register: https://lddy.no/9au0 

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post USAPANG NEGOSYO: MGA BAGAY NA HINDI GINAGAWA NG MGA SUCCESSFUL NA NEGOSYAN appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live