Quantcast
Channel: Chinkee Tan
Viewing all 1372 articles
Browse latest View live

‘WAG UTANG NANG UTANG: KNOW THE DIFFERENCE BETWEEN GOOD AND BAD DEBT

$
0
0

Protecting your financial peace starts with avoiding bad debt at all costs.

Naranasan mo na bang hindi makatulog sa gabi kakaisip sa mga utang mong kailangang bayaran? O ‘di kaya ay umiwas sa mga taong nautangan mo? Ay naku, ‘wag naman sana.

Obviously, karamihan ng mga tao ngayon ay may utang. Masama nga ba talaga ang umutang? Anu-anong mga bagay ang nag-uudyok para umutang ang isang tao?

Most of the time, nangungutang ang isang tao kapag wala itong readily available na cash to spend. Kaya maraming nalulubog sa utang dahil akala nila kaya nila itong bayaran agad. 

Sa panahon ngayon, ang reputasyon ng “utang” ay masama o nakahihiya. 

Kailangan nating malaman na. . .

NOT ALL DEBTS ARE BAD

Huwag naman sana natin i-generalize ang utang bilang isang masamang bagay. Kung pag-aaralan natin ang mga successful na mga business people ngayon, malalaman natin na kahit sila ay mga utang din. Ang kaibahan nga lang nila sa karamihan ay they acquired yung tinatawag na “good debt”. 

Kailangan natin alamin ang kaibahan ng good at bad debt para hindi tayo magkamali.

GOOD DEBT

Wow meron palang “good debt”. 

Yes, meron. Ang debt ay nagiging good kung ginagawa ito upang mapaunlad ang isang bagay na sooner or later ay magbibigyan ng ROI (return of investment)  kagaya na lamang ng business loan para mag-expand ng negosyo o ‘di kaya ay student loan kung saan ginagamit ang perang inutang para makapagtapos ng pag-aaral.

BAD DEBT

Ibang usapan naman ang pag-utang ng pera para sa #travelgoals o ‘di kaya ay para sa birthday celebration. Pagkatapos iwaldas ang perang inutang para mag happy2x, eh ano na ang kasunod?

Obviously, ang mga ito ay examples ng bad debt. 

Mahirap magkaroon ng bad debt dahil ito ay nagdudulot ng added stress sa buhay. 

Kaya naman, bago pa natin apply-an ang kung anu-anong loans na ino-offer sa atin, tanungin muna ang sarili, “Ito ba ay isang good debt o bad debt?”

Ang kaalaman natin dito ay makatutulong sa ating financial health at life in general.

Tandaan,

“Protecting your financial peace starts with avoiding bad debt at all costs.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. May mga existing debts ka ba ngayon?
  2. Ano sa tingin mo ang mga ito, good debt ba o bad debt?
  3. Bakit importanteng alamin muna kung anong klaseng pag-utang bago pa man ito ay gawin?

Watch this video:

Para mas maintindihan ang good versus bad debt, panoorin ang: Pag-usapan Natin Ang Good Debt At Bad Debt With Karen Davila
Click here: https://youtu.be/ZqmUVWCnK18 

A PROVEN and TESTED GUIDE to help you navigate and start your savings journey. Kaya naman we are launching the Ipon Pa More Kit to help you become a better Iponaryo. 

Available in Digital for only 899 instead of 1,098 (Ipon Kit Digital + IponPaMore Online Course) Click here to order: https://lddy.no/8wsr 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post ‘WAG UTANG NANG UTANG: KNOW THE DIFFERENCE BETWEEN GOOD AND BAD DEBT appeared first on Chinkee Tan.


YOUR BEST VERSION

$
0
0

Sa gitna ng pagsubok, be your best version. Huwag panghinaan ng loob at mawalan ng determinasyon.

Sa dami ng mga nagaganap ngayon, napakadali na lang matakot at mawalan ng tiwala sa isa’t isa. Nariyan pa ang kaliwa’t kanan na mga balita na talagang nakatatakot marinig.

Pero sa gitna ng mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, ano nga ba ang mga maaari nating gawin upang tayo ay makapagdesisyon at makapag-isip nang maayos.

LEARN TO KNOW THE TRUTH

“Totoo ba yan? Talaga bang official statement ‘yan?”

“Kanino ba galing? Reliable source ba ‘yan?”

“Kanino ka ba dapat makinig at maniwala?”

Ilan lamang ito sa maaari nating tanungin sa ating sarili sa tuwing nakatatanggap tayo ng mga kung anu-anong balita. Mahalagang tayo mismo ang mag-filter ng balita bago natin ito ipasa sa ibang mga tao.

It is more important that you…

LEARN TO GROW YOUR FAITH

“Gaano ba katibay ang aking pananampalataya sa Panginoon?”

“Alam kong matatapos din ang pagsubok na ito at gagabayan tayo ng Diyos.”

“Huwag tayong mawalan ng pag-asa.”

Dahil sa malalang sakit, maraming trabaho at negosyo ang apektado. Kaya marami ring mga tao ang hindi na alam kung saan pa makakukuha ng pera para sa pamilya.

Pero tandaan: God will provide.

Matatapos din ang lahat ng ito at makakaahon tayong muli. Makakapagtrabaho tayong muli. Makakabawi tayong muli. 

Huwag hayaang gumawa ng mga bad decisions dahil lamang sa kagipitan.

LEARN TO TRUST YOURSELF

“Kung nagawa ko noon, magagawa ko itong muli.”

“Kung nakayanan ko noon, kaya kong makabangon muli.”

“Kakayanin ko ito para sa aking pamilya.”

Maniwala tayo sa sarili nating kakayahan. Maliban pa dito, kung may pagkakataon na matuto tayo ng iba pang bagay, gawin na natin ito upang mas lumawak pa ang ating mga kakayanan.

Gawin nating aral ang bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay upang sa susunod ay mas handa tayo sa anumang pagsubok.

“Sa gitna ng pagsubok, be your best version. Huwag panghinaan ng loob at mawalan ng determinasyon.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anong aral ang natutunan mo sa ganitong pagkakataon?
  2. Paano mo pinapatibay ang iyong pananampalataya sa Panginoon?
  3. Gaano kalakas ang iyong paniniwala sa iyong kakayahan para mag-survive sa ganitong panahon?

Watch this video:

The Best Move Para Sa Iyo Para Yumaman This Year 2020

https://youtu.be/F7vTsZUXZGQ

ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!  

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on  APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER” 

Register and avail the EARLY BIRD RATE of 

Php 598 instead of Php 2,598

Click here: https://chinkeetan.com/best

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post YOUR BEST VERSION appeared first on Chinkee Tan.

THINK POSITIVE

$
0
0

Sa negosyo, hindi maiiwasan ang mga pagsubok. Tandaan lamang na lahat ay may pag-asang umahon mula sa pagkalugmok.

Grabe! Maraming negosyo ngayon ang apektado dahil sa pandemic na sakit at lock down. Marami rin tayong mga kababayan ang talagang nahihirapan na sa mga gastusin.

Apektado rin ang mga manggagawang Pilipino sa ating bayan lalo na ang mga arawan ang sweldo. Kaya naman naisipan kong gawan ito ng blog dedicated para sa ating mga kababayan.

MAGING RESPONSABLE, HUWAG MAGING PASAWAY

Ang mga pinapag-utos na gawin sa atin ay kailangan nating sundin at gawin. Ito ay isa lamang sa mga responsibilidad natin bilang mamamayang Pilipino.

Kung hindi naman talagang kailangan umalis, manatili na lamang sa loob ng ating tahanan upang makaiwas sa sakit at hindi na makadagdag pa sa pagkakalat ng sakit.

MAGING MAALAM, HUWAG MAGPADALA SA MALING BALITA

Kaliwa’t kanan ang balitang ating natatanggap. Ngunit ating tandaan na kailangan nating maging mapanuri sa ating mga nababasa. Mahalagang tama at totoo ang ating pinapasa sa ibang mga tao upang hindi na makadulot ng pangamba sa ating kapwa.

Maganda rin na magtulungan tayo na palakasin ang ating pananampalataya upang mas tumatag ang bawat isa sa atin. Kailangan natin alamin ang katotohanan upang mas makapag-isip tayo nang maayos.

MAGING MATATAG, HUWAG PANGHINAAN NG LOOB

Alam kong maraming nawala sa ating lahat. Kahit ako ay apektado dahil marami sa speaking engagements ko at pati na rin sa mga orders ng libro ko ang bumaba o nabawasan ang sales.

Pero kailangan nating harapin ito. Gawin nating aral ito upang hindi na maulit ang mga nangyayaring ito sa atin. Mahalagang maging positibo pa rin tayo. Huwag nating hayaang mawalan tayo ng tiwala sa ating sarili at sa ating Panginoon.

Tandaan:

“Sa negosyo, hindi maiiwasan ang mga pagsubok. Tandaan lamang na lahat ay may pag-asang umahon mula sa pagkalugmok.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Kumusta ang inyong kalagayan ngayon?
  2. Anu-ano ang mga aral ang natutunan mo sa panahong ito?
  3. Kanino ka kumukuha ng lakas upang makayanan ang mga pagsubok na ito?

Watch this video:

This Will Brighten Your Day, Your First Million, Paano Makukuha?

Click here: https://youtu.be/0nN_-UpdvhA

Sali na sa “JUAN NEGOSYANTE: Negosyo Now! Asenso Later!” Online course and learn how to build your business from scratch. Ito pa, may ONE YEAR ACCESS pa! You can watch it anytime, anywhere for P799!

Click here to reserve your slots: https://lddy.no/8var 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post THINK POSITIVE appeared first on Chinkee Tan.

INVEST IN BEING THE BEST

$
0
0

Hindi mo kailangan maging the best sa lahat ng bagay. Ang kailangan ay maging the best version of yourself ka bawat araw.

Ang batang mahilig kumanta, magiging singer paglaki.

Ang batang mahilig mag-drawing, magiging artist pagdating ng araw.

Lahat tayo may potential, lahat tayo may angking talento o hilig na kailangang hasain pa para magamit natin in the future. Ang success nila balang araw ay hindi lamang dahil pinanganak silang talentado o henyo sa kanilang larangan. It is because…

THEY INVESTED IN THEMSELVES

Ang batang mahilig kumanta, maaaring maging sikat na singer balang araw kung siya ay magpa-practice nang magpa-practice, sasali sa mga singing events, mag-aaral ng music, o sumali sa isang banda. 

Ang batang mahilig mag-drawing, magiging isang artist balang araw kung magpa-practice siya ng iba’t ibang uri ng pagpipinta at paggawa ng art. Dagdag na rito ang mga pag-aaral na gagawin niya tungkol sa art. 

Nakadepende sa gagawin mo ngayon kung saan ka tatayo at anong mga bagay ang makakayanan mong gawin bukas.

Kung hindi ka mag-e-effort para ma-improve ang sarili mo bawat araw, magiging unrealistic ang inaasam at pinapangarap mong future para sa sarili mo. 

YOU ARE YOUR BEST INVESTMENT

Investing in yourself is a form of self-care. At kapag ginawa mo ito, you are also investing in your future sources of income. 

Kung iniisip mong automatic na mag-a-advance at mag-i-improve ang kaalaman mo sa isang bagay nang hindi ka nag-e-effort para rito, my friend, nagkakamali ka. Continuous improvements require consistent efforts and hardwork. 

NO ONE IS EXEMPTED FROM THIS FACT

Even the most successful people na kilala mo, they all went through hardships bago nila naabot ang success nila. Even ako, my friend, I went through so much trainings and hard works bago ako naging isang bestselling author at kinilala as one of the top finance speakers in the Philippines.

Kapag hindi ikaw ang nag-invest mismo para sa iyong sarili, who else will? 

“Hindi mo kailangan maging the best sa lahat ng bagay. Ang kailangan ay maging the best version of yourself ka bawat araw.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano na ang mga investments mo?
  2. May na-invest ka rin ba para ma-improve mo ang iyong sarili?
  3. Paano mo pa mas mapabubuti ang iyong sarili para maging the best version of yourself ka?

Watch this video:

The Best Move Para Sa Iyo Para Yumaman This Year 2020

https://youtu.be/F7vTsZUXZGQ

ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!  

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on  APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER” 

Register and avail the EARLY BIRD RATE of 

Php 598 instead of Php 2,598

Click here: https://chinkeetan.com/best

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post INVEST IN BEING THE BEST appeared first on Chinkee Tan.

BROKEN WALLET

$
0
0

Okay lang na wala kang Louis Vuitton bag basta ang savings mo ay hindi malu-Lugi Vuitton.

Mahirap maging broke. Mahirap ang walang pera. Nakakahiya, nakaka-stress. Mahirap maging mahirap.

For sure, at some point ng buhay mo ay naranasan mo rin maging broke. Ano ba ang problema? Kulang ang sahod? O kulang sa tamang financial planning? Bakit ka ba broke?

YOU HAVE UNHEALTHY SPENDING HABITS

Milktea everyday? Samgyup every week? Shopping spree ng branded items everytime?

My friend, hindi mo kailangang araw-arawin ang mga luho mo. Okay lang naman kung afford mo ang mga ito, pero kung ang resulta ng kakalustay mo ng cash ay broke naman ang budget mo, may mali na talaga. 

Avoid overspending. Avoid using your credit cards to unreasonable expenses. 

Create a budget, follow it, and stick to it.

YOU TRY SO HARD TO IMPRESS OTHERS

Hindi mo kailangang magpakasosyal kung hindi mo naman talaga afford. Kung napaliligiran ka ng mga taong sosyal at higit na mataas ang financial status kaysa sa iyo, iwasang makipagsabayan sa kanila. You can still be friends with them naman nang hindi nape-pressure bilhin ang mga bagay na afford nila, pero ikaw hindi.

Isa pa ay iwasang maging mayabang. Kapag pinairal kasi ang yabang kaysa sa pagiging wais, chances are masasagad mo ang iyong budget para lang sa mga luho mo. Hindi mo kailangang i-impress ang iba sa mga luho mo, mas kaimpress-impress ang taong wais at matalino sa kanyang mga desisyon, lalo na pagdating sa paghawak ng pera. 

YOU ARE DEBT-DEPENDENT

Ang sarap sa feeling ng may credit card, ano? Swipe lang ng swipe, saka ka aaray ‘pag nandyan na ang billings. 

Ang malala lang sa iba, utang din ang pinangbabayad sa credit card o sa iba pang existing na utang. Anong resulta? Broke. Malaking porsyento kasi ng kinikitang pera ay ipinangbabayad na lamang sa mga utang na hindi naman matapos-tapos. 

My friend, kung ayaw mong maging broke, you need to be wiser sa iyong pera.

“Okay lang na wala kang Louis Vuitton bag basta ang savings mo ay hindi malu-Lugi Vuitton.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

Watch my video on Youtube:

10 Reasons Why People Are Broke

(https://youtu.be/IBuEunVG51w)

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Madalas ka bang broke?
  2. Ano ang mga dahilan ng iyong pagka-broke?
  3. Paano mo maiiwasan ang pagka-broke ng iyong finances?

KEEP TRACK of your Finances with MONEYKIT 2.0. It is available in BOXSET or DIGITAL.

A. BOXSET: Click here: http://bit.ly/2TFYnrA
-All 11 books
-My new book, BADYET DIARY
-Ipon Can 60k challenge
-Free shipping Nationwide

B. DIGITAL: Click here: http://bit.ly/2Fy4kmm
-Downloadable Ipon Stickers (60k challenge)
-Downloadable Badyet Diary (New book)
-11 Downloadable Chinkee Tan books

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post BROKEN WALLET appeared first on Chinkee Tan.

CHINKEE, HOW TO BE A VIRTUAL PRO?

$
0
0

Sa panahon ngayon na puno ng uncertainty, napakahalagang meron kang ibang source of income because you’ll never know what will happen in the future.

The need for remote work is increasing lalo na sa panahon ngayon na napakarami sa ating mga kababayan ang at risk sa exposure sa NCOV-19. 

With the recent developments in technology, we now have the opportunity of earning money while at the comfort of our own homes by becoming a “virtual assistant”.

VIRTUAL ASSISTANT

Chinkee, ano ba ‘yang virtual assistant work na ‘yan? 

A virtual assistant is a person who provides support services to other businesses from a remote location. Meaning, you can work anywhere from around the world, as long as meron kang sariling laptop at internet connection. 

Napakaraming services ang pwedeng mai-offer ng isang virtual assistant, from admin work, appointment setting, sales, design, writing. Perfect na set-up ito for the people looking to spend more time with their family.

QUALIFICATIONS

Some virtual assistant jobs requires you to have a certain skill, gaya ng graphic design, web developer, content writer, sales. Meron naman ibang jobs na hindi nagre-require ng mga ganung skills basta mayroon kang good communication skills.

CHINKEE, HOW DO I START?

Napakaraming platform na nag-o-offer ng virtual assistant jobs sa internet. You just have to set up a profile for each of these sites. Once na setup na ang iyong profile, kakailanganin i-take ang exams sa bawat platform para ma-boost ang iyong profile. Most of these exams consist of personality tests, basic grammar tests, etc. Pagkatapos mo kunin ang exam, ay kailangan mo naman i-setup ang iyong payment system. Kakailanganin mo ito dahil dito mapupunta lahat ng kikitain mo. Once tapos mo nang lahat ito, ready ka na maghanap ng iyong unang client!

Working remotely has never been more relevant especially now na naka lockdown ang Luzon for a whole month. Kaya don’t miss out, mag setup ka na rin ng profile mo online and start earning money!

Sa panahon ngayon na puno ng uncertainty, napakahalagang meron kang ibang source of income because you’ll never know what will happen in the future.

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Gusto mo bang magkaroon ng extra income bukod sa trabaho mo?
  2. Bukod sa pagiging Virtual Assistant, ano pa ang naiisip mong pwede panggalingan ng extra income?
  3. Kino-consider mo bang mag work remotely full-time?

Watch this video to learn more:

How to Be a Virtual Pro?

Click here: https://youtu.be/LjqrPAh9wmg

ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!  

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on  APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER” 

Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post CHINKEE, HOW TO BE A VIRTUAL PRO? appeared first on Chinkee Tan.

WISE SAVER

$
0
0

Matutong magbadyet sa panahon ng kagipitan. Unahin ang mga mahahalagang pangangailangan.

Maraming bagay sa buhay natin ang hindi naman talaga natin kontrolado. Tulad ng bagyo, hindi naman natin ito makokontrol pero maaari nating mapaghandaan ito.

Ganito rin ang emergency. Ito ay tinawag na emergency dahil bigla na lang ito nangyari at kailangan ng mabilisang aksyon.

Kaya naman, marami rin tayo naging aral dito. Nakita natin na mahalaga na maghanda ng

EMERGENCY FUND o CALAMITY FUND

Maglaan ng pondo para sa pang-isang buwan na mga gamot at vitamins lalo na para sa mga bata at mga nakatatanda. Prevention is better than cure kaya naman may mga vitamins na kailangan talaga ng ating katawan.

Ang emergency fund ay katumbas ng 3-6 na buwan ng iyong buwanang budget. Kailangan ito upang sa mga ganitong panahon, mayroong madudukot.

Pero alam ko rin na marami rin talaga ang hindi ito ginagawa.

INSPIRE OTHERS and MOTIVATE OTHERS

Marami ang sinasabing mahirap naman magtabi dahil kulang pa nga sa isang buwan ang kinikita nila. Bagay lang ang emergency fund sa mga taong may kaya sa buhay.

Kung ganito palagi ang pananaw natin, lagi na lang problema ang makikita natin. Kailangan nating hanapan ng solusyon ang problema na ito. Isipin natin lagi na dapat may maitabi tayo malaki man o maliit.

Huwag nating antayin at

MAGSISI SA HULI at ISISI SA IBA

Kapag nandyan na ang problema, wala nang panahon para magsisihan pa. Mahalagang kumikilos na tayo bago pa man may mangyaring hindi maganda.

Isipin natin na ang bawat pagkakataon ay may mahalagang aral upang maging masinop at magaling sa paghawak ng pera.

Kaya naman:

“Matutong magbadyet sa panahon ng kagipitan. Unahin ang mga mahahalagang pangangailangan.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY. 

  1. Anu-ano ang mga kinakatakutan mong mangyari ngayon?
  2. Ano ang mga solusyon mo sa mga problema?
  3. Anu-ano ang mga aral na natutunan mo sa pagsubok na ito?

Watch this video:

Bakit Importanteng Magkaroon ng Emergency Fund

https://youtu.be/RgnAnP_J7eA

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/ 

The post WISE SAVER appeared first on Chinkee Tan.

BIGGEST REGRETS OF RETIREES

$
0
0

Nasa huli ang pagsisisi. Huwag mong hayaan umabot sa punto na lahat ng pinaghirapan mong pera ay mapunta lang sa iyong medication.

 

Ang goal ng karamihan ng tao sa buhay is to live life without regrets, yet that’s not always easy, particularly when it comes to planning for retirement. A lot of these retirees share that common regret, at ito ay ang hindi pag ipon ng sapat na pera for retirement. 

 

RETIRING TOO EARLY

Kadalasan na goal ng mga magulang ay mapatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Once naka-graduate na ang huling anak na pinapaaral nila, they retire. But that’s a misconception. By retiring too early, you’re not allowing yourself to earn any more money. Hindi porke tapos na ang responsibility mo bilang magulang ay dapat tumigil ka na rin sa pag-hanapbuhay. Kailangan mo pa rin mag-ipon para sa sarili mo dahil ayaw mong maging pabigat sa iyong mga anak in the future.

 

NEGLECT ON HEALTH AND FAMILY

May iba naman na sa sobrang kagustuhan na mag-retire ng maaga, ay napababayaan nila ang kanilang kalusugan at pamilya dahil halos nilubog na ang sarili sa trabaho. Kailangan pa rin natin i-enjoy ang buhay at alagaan ang ating sarili. Tandaan, Nasa huli ang pagsisisi, huwag mong hayaan umabot sa punto na lahat ng pinaghirapan mong pera ay mapunta lang sa iyong medication.

 

NOT HAVING A PLAN FOR YOUR FREE TIME

Once nag-retire ka, final na iyon, you can never come back to working again. Many people still think of retirement as if it’s a very long vacation kung saan free ka to do kahit ano. However, pagkatapos mong magawa ang mga iyon, unti-unti mong mararamdaman ang unfulfillment. Kailangan mo pa rin ng reason para bumangon kada araw na may sinusundan kang goal.

 

Napakahalagang pag-planuhan talaga ang retirement dahil who knows kung ilang taon pa ang natitira sa iyong buhay. At para maging fulfilling ang iyong remaining years, maganda na meron kang naitabing pera in order to do that.

 

Nasa huli ang pagsisisi. Huwag mong hayaan umabot sa punto na lahat ng pinaghirapan mong pera ay mapunta lang sa iyong medication.

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. May plano ka na ba after retirement?
  2. At what age mong balak mag retire?
  3. Ano ang mga balak mong gawin after retirement?

 

Watch this video to learn more:

8 Biggest Regrets of Retirees

Click here: https://youtu.be/GzYlps31CA8

 

ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

 

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!  

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on  APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER” 

 

Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best 

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

 

The post BIGGEST REGRETS OF RETIREES appeared first on Chinkee Tan.


THE BEST MOVE PARA YUMAMAN THIS 2020

$
0
0

Transform your personal, professional, and financial life so you can be the best version of yourself.

Ngayong taon na siguro ang tamang oras para kumilos at mag take ng risks. With a lot of things going around the world, you’ll never know when the economy could actually crash. Kaya bago pa maging huli ang lahat ay simulan mo na ang pagpaplano kung ano ang gagawin mo sa iyong pera. With that said, here are the best moves para yumaman ka this 2020.

CUT YOUR EXPENSES

Ang pinakamalaking problema ng mga tao ay lagi silang gumagastos ng higit pa sa kanilang kinikita. Living below your means will be the easiest path to get rich.

Consistently track your progress on how much you’re spending. Gumamit ng app or ng simpleng spreadsheet to make sure you always know how much money you have at saan ito napupunta.

Start cutting unnecessary spendings in your life. Magtipid sa paggamit ng kuryente para mapababa ang bills mo. Focus your life with only the necessities and in no time, mas malaki ang maiipon mo.

INVEST IN YOUR SKILL

Gamitin mo ang iyong skill para pagkakitaan mo ng pera. Become a self employed expert. To begin, you have to figure out what skill you have and want to cultivate. Attend seminars or workshops if you have to. Next, kilalanin ang mga pinaka magagaling na tao sa field ng iyong skill. I-research at alamin kung ano ang mga ginawa nila para maging successful sila and try to mimic their methods. At ang pinaka mahalaga, you should never stop improving on your skill.

TAKE RISKS

There is no money made without any risk taken. Lahat ng pinaka-successful na businessman ay nag-take ng risks. In order to make money, kailangan mo mag-take ng chance na ang isang venture or idea ay magiging success. Ngunit kailangan mo rin maging mautak sa pag-take ng risks. Taking risks without thinking about them beforehand ay isang mabilis na paraan para mawalan ng pera.

Now is the time to make bold moves. Kaya habang maaga ay simulan mo na ang pagpaplano sa iyong financial stability. The sooner you deploy these financial moves, the better.

Transform your personal, professional, and financial life so you can be the best version of yourself.

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. May plano ka na ba after retirement?
  2. At what age mong balak mag-retire?
  3. Ano ang mga balak mong gawin after retirement?

Watch this video to learn more:

Are You Worried About Your Financial Situation? 

Click here: https://youtu.be/HJE8Bxil308 

ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!  

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on  APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER” 

Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post THE BEST MOVE PARA YUMAMAN THIS 2020 appeared first on Chinkee Tan.

PARA SA MGA HOPELESS

$
0
0

Mawala na ang lahat ‘wag lang ang pag-asa.

Kumusta ka, ka-Chink? 

Naka-work-from-home ka ba? O isa ka sa mga frontliners? O huwag naman sana, isa ka sa mga trabahador na walang kinikita sa kasalukuyang krisis? 

Maaaring nanghihina ka na sa mga nangyayari ngayon pero, my friend, kapit lang.

FEELING HOPELESS?

Na-imagine mo na bang mabuhay nang hindi lumalabas ng bahay nang isang buwan o higit pa? Na-imagine mo na bang mabuhay nang kulang sa pagkain? Walang kinikitang pera?

Ang mga ito, mahirap at nakatatakot. Pero pwede pang magawan ng paraan hangga’t naniniwala kang may pag-asa pa.

Ano ang mas mahirap?

Ang mabuhay nang walang hope. 

“Chinkee, possible ba ‘yon?

Hindi.  

A LIFE WITHOUT HOPE IS IMPOSSIBLE

Kung ang araw ay sumisikat matapos ang bawat gabing madilim, kung ang kalangitan ay umaaliwalas matapos ang bagyo, kung may mga gumagaling pa rin sa mga sakit na kinatatakutan natin, for sure, may solusyon pa rin sa bawat problemang kahaharapin natin. 

Mabuhay ka nang wala ang maraming bagay, huwag lang ang hope. 

My friend, I am telling you, there is hope even in the darkest, loneliest side of the world. Bakit ko nasabi ito? Dahil mayroong isang nilalang na laging nariyan para gabayan tayo, hindi natin Siya nakikita pero kitang-kita Niya tayo.  Alam Niya ang pinagdaraanan nating pagsubok at nakahandang ibangon tayo mula sa pagkakadapa. Kailangan lamang na kilalanin Siya at magtiwala Sa Kanya.

TRUST IN THE LORD WITH ALL YOUR HEART

Kapag tinanggap mo si Lord sa iyong buhay, hindi mo mararamdamang nag-iisa ka at wala nang pag-asa. Sasamahan ka Niya sa bawat hakbang patungo sa buhay na puno ng pag-asa.

Sabi nga sa bible, “Be strong and of good courage, do not fear nor be afraid of them; for the Lord your God, He is the One who goes with you. He will not leave you nor forsake you.” Deuteronomy 31:6.

Kapit lang, ka-Chink. Malalagpasan din natin ang krisis na ito.

“Mawala na ang lahat ‘wag lang ang pag-asa.”

–  Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Kumusta ka ngayong panahon ng krisis?
  2. Sa tingin mo ba may pag-asa pang masolusyunan ang kasalukuyang krisis?
  3. Paano mo mapananatiling positive ang mindset mo sa panahong ito?

Watch my CHINKspirational video:

Episode 10. NEVER LOSE HOPE

https://youtu.be/Y06InOJmU54

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: 

https://www.instagram.com/chinkeetan

The post PARA SA MGA HOPELESS appeared first on Chinkee Tan.

CONTINUE TO HAVE HOPE

$
0
0

Do not put your hope on things that won’t last but put your hope on things that last.

Mga ka-Chink, ngayong panahon ng crisis at hopelessness, I hope you are all safe and healthy.

Mahirap at nakakapanghina ng loob pero kapit lang at huwag susuko. Continue to have hope.

I HOPE YOU KNOW THAT YOU ARE NOT ALONE

Sana’y alam mo na hindi ka nag-iisa sa laban na ito. In times of crisis and uncertainties, I hope you will reach out for the hands of people who love and value you.

And I also hope na you will love, value, and cherish those people, let go of the ones who don’t. 

“Chinkee, paano kung walang wala talaga akong malapitan?”

I HOPE YOU HOPE FOR SOMETHING SECURED AND TRUSTWORTHY

If there is one thing na secured, eternal, permanent, and trustworthy in this world, that is the hope and love from our Lord. 

Kung mayroong isang nilalang na hindi magsasawang alalayan ka sa bawat hakbang mo, ibangon ka sa bawat pagkakadapa, at hawakan ang iyong kamay tungo sa maginhawang buhay, that is our Lord God.

“Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand.” (Isaiah 41:10).

Magtiwala ka lang, hindi ka Niya pababayaan.

I HOPE YOU CONTINUE TO HAVE HOPE

Kahit gaano pa nakakapanghina at nakaka-stress ang mga pangyayari sa kasalukuyan, I hope you will continue to look forward for a brighter morning sunshine. Nawa’y hindi ka sumuko sa pag-asang ang bukas ay mas magiging maaliwalas kaysa ngayon at kahapon.

Trust the people, trust the Eternal God, and trust yourself as well. Kaya mo ‘yan.

And lastly, I hope you are safe and healthy staying in your home at this moment.

“Do not put your hope on things that won’t last but put your hope on things that last.”

– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  1. Ano ang mga bagay na hopeful ka sa iyong buhay?
  2. Hopeful ka rin ba na malalagpasan natin ang kasalukuyang pandemic crisis?
  3. Ano ang maaari mong gawin upang makapagbigay hope din sa mga taong nawawalan na ng pag-asa?

Watch my CHINKspirational video:

Episode 10. NEVER LOSE HOPE

https://youtu.be/Y06InOJmU54

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts: 

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/

YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive

Instagram: 

https://www.instagram.com/chinkeetan

 

The post CONTINUE TO HAVE HOPE appeared first on Chinkee Tan.

KAYA NATIN ITO

$
0
0

 

Hindi mapagkakaila na ang kaganapan ngayon ay isa
sa pinakamalaking pagsubok na dumating sa buhay
nating lahat kahit saan pa mang dako ng mundo ka naroroon.

Kaya ito na rin siguro ang naging dahilan kung bakit
marami ang nabigla sa nangyayari dahil kahit ang
mga malalaking bansa ay naapektuhan ng sakit na ito.

Kaya ang tanong ng marami ay paano na nga ba tayo makaka-survive dito?

MENTAL HEALTH

Unang-una sa lahat we need to protect our mind.
Hindi lamang katawan ang kailangan nating palakasin.
Mahalaga na aminin natin sa ating sarili kung natatakot
tayo at saka natin ito ipagdasal sa Panginoon.

Hindi lamang ang sakit ang maaaring pumatay sa atin
kundi ang mismong takot at depression. Kaya naman,
mahalaga na mayroon tayong napagsasabihan na mga saloobin natin.

FOCUS ON SOLUTIONS

Nariyan na ang mga problema, pero hindi ibig sabihin
ay dapat dito na lamang tayo naka-focus.
Bigyan din natin ang ating sarili ng pagkakataon
na kumalma upang tayo ay makapag-isip nang maayos.

Matatapos din ang lahat ng ito.

Pagkakataon na ito upang makasama natin ang ating pamilya.
Maaari rin nating gamitin ang oras na ito para makapaglinis
ng ating tahanan o kaya magbasa ng mga magagandang libro
o manood ng mga palabas na mapupulutan ng aral.

Kailangan nating ibaling ang ating atensyon sa positibong bagay and

TRUST GOD

Huwag nating kalilimutan na kasama natin ang Panginoon sa laban na ito.
Manalangin tayo para sa isa’t isa at huwag nating hayaan na malunod lang tayo sa pangamba.

Gawin natin ang mga dapat nating gawin tulad ng pag-stay sa
tahanan at social distancing upang mahinto na rin mismo ang
pagkalat pa ng virus sa lugar natin.

Tandaan na

“Ang bawat pagsubok sa buhay ay nag-iiwan ng aral.
Kaya huwag mawalan ng pag-asa at laging magdasal.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY

  • Anu-ano ang mga ginagawa ninyong pamilya upang mas maging productive ang araw ninyo?
  • Paano ninyo sinusuportahan ang isa’t isa upang maging ligtas ang buong pamilya.
  • Sinu-sino ang mga isinasama ninyo sa inyong mga panalangin sa panahong ito?

Watch this video:
Are You Worried About Your Financial Situation?
https://youtu.be/HJE8Bxil308

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post KAYA NATIN ITO appeared first on Chinkee Tan.

SI #JU-DITH

$
0
0

Nabalitaan naman natin na lahat ng mga due ay na-moved sa susunod na buwan. Pero ano nga ba ang dapat gawin sa puntong ito?

Let me share with you some tips para hindi tayo mabigla sa bayarin natin sa susunod na buwan.

MAGLAAN NG PAMBAYAD SA MGA BILLS

Kahit nausog sa susunod na buwan ang bayarin dapat makapagtabi pa rin ng mga pambayad para sa susunod na buwan. Hindi natin kailangan ubusin lahat para sa buwan na ito.

So kung may due kayo na 2,000 ngayong buwan na ito, itabi pa rin ang pambayad dito. Nausog lang naman ang due date hindi ibig sabihin nito ay na-waive na ang ating mga bayarin. Kaya naman dapat din ay

BILHIN LAMANG ANG MGA KAILANGAN

Alam ko na marami ang binibili natin ngayon. Kung sa normal na mga araw ang budget ninyo sa isang buwan sa grocery ay limang libo, stick pa rin dapat doon.

Bilhin pa rin ang mga talagang kailangan na pagkain o mga gamot. Kung tutuusin nga ay mas may matitipid tayo dahil bawas na ang pamasahe o pang-gas sa mga araw-araw na umaalis dyan.

Pero kailangan bantayan at

MAGTIPID SA KURYENTE AT TUBIG

Dahil lahat ng myembro ng inyong pamilya ay nasa tahanan, for sure walang patayan ang telepono. At dahil din sa pandemic na ito, madalas tayong naghuhugas ng kamay at naliligo.

Pero kung pwede naman na magsama-sama sa iisang parte ng bahay muna lahat para yung electric fan lang na yun ang gagamitin.

Mag-schedule din ng paggamit ng TV. Kung pwede namang manood sa phone or laptop, para hindi laging naka-plug sa kuryente. Ilan lamang ito mga Iponaryos sa mga tips na naisip ko.

Tandaan

“Hindi ibig sabihin na na-moved ang due date,
wala nang bayarin.
Kaya dapat ay matutong mag-badget at
magkontrol ng gastusin.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga pangunahing bilihin ang kailangang-kailangan ng pamilya ninyo?
  • Paano kayo nagtitipid ng kuryente at tubig sa panahong ito?
  • Magkano ang talagang budget ninyo kada buwan?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post SI #JU-DITH appeared first on Chinkee Tan.

SI GRETa (Regret)

$
0
0

Marami ang nabigla sa mga kaganapan ngayon sa ating bansa. Ito talaga yung halimbawa ng emergency eh. At lahat tayo ay apektado nito lalo na ang mga taong hindi nakapaghanda.

Marami rin akong na-realize sa puntong ito. Syempre maliban sa kahalagahan ng kalusugan at pamilya, nandyan din talaga ang ipon. Kaya naman naisip kong gawin itong blog na ito.

Sana maging inspirasyon para pagkatapos ng lockdown at ng pandemic na ito mas magkaroon kayo ng malinaw na goal sa buhay.

IPON PA MORE

Alam kong marami talaga ang nami-miss ang mga unli at ang ating mga paboritong inumin na milktea or coffee. Pero sana magsilbing aral ang mga kaganapan ngayon lalo na sa mga hindi talaga nakapag-ipon ngayon.

Ipon pa more ang goals talaga dapat pagkatapos ng lockdown. Ok lang mag-unli o kaya painom-inom, pero huwag n’yo nang hayaan na hindi kayo makapagtabi ng ipon.

INVEST PA MORE

Pagkatapos din, simulan na ang investments. Pumunta sa mga bank at magtanong tungkol sa mutual funds o UITF. Pwede rin naman mag-enroll sa mga seminars para mas maintindihan ang mga ito.

Dagdagan natin ang ating kaalaman tungkol sa investment at huwag nating hayaan na dumaan ang bawat taon na walang nailalaan at naipupundar para rito.

BUSINESS PA MORE

Nakikita naman talaga natin ang kahalagahan ngayon ng iba’t ibang sources of income. Huwag na nating hantayin pa na kung ano na naman ang maganap bago natin planuhin ang future natin.

Huwag nating sayangin ang bawat kita natin sa mga bagay na pansamantala lang. Kailangan isipin natin ang pangmatagalan. Kaya naman maging wise at huwag ulitin ang mga pagkakamali ngayon para hindi na maging GRETa na puro regret sa buhay.

“Dati puro milktea, coffee at samgyup ang trip mo.
Ngayon nakita mo na ba na mahalaga pala ang isang libo?”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Nakagawa ka na ba ng ipon plan mo para sa future?
  • Anu-ano ang mga gustong matutunan upang masimulan mo ang iyong investment?
  • Paano mo sisimulan ang business na gusto mong gawin?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post SI GRETa (Regret) appeared first on Chinkee Tan.

SI G.G. (laging Gutom na Gutom)

$
0
0

Ang iba sa atin, pang isang buwan na ang pinamili sa grocery para sa pamilya dahil naka-quarantine ngayon. Kaya kailangan i-badyet nang tama ang mga pinamili para magkasya ang pagkain.

Kung hindi ito ang nakasanayan, mahalagang kausapin ang bawat myembro ng pamilya para walang masayang na pagkain at umabot ng isang buwan ang mga pinamili.

Narito ang ilan sa mga tips:

MAGLUTO NANG SAPAT AT HUWAG LABIS

Kung nasanay kayo na laging dalawa o tatlo ang ulam, sa puntong ito, kailangan nang bawasan ito at magluto lamang nang sapat o pwede naman pangtanghalian hanggang panghapunan na.

Kilala tayong mga Pinoy na mahilig sa pagkain. Bonding nga ng bawat Pilipino ay sa kainan ‘di ba? Pero mahalaga na maging praktikal at wais sa pagluluto ngayon.

HUGASAN ANG KARNE AT ILAGAY SA FREEZER

Sa karne naman, dahil mainit na ang panahon, mas madaling masira ang mga ito. Kaya naman siguraduhing mailalagay ito sa freezer. Huwag laging buksan nang buksan ito upang manatili ang lamig sa freezer.

Kapag may pinalambot na karne, huwag na itong ibalik sa freezer uli. Siguraduhing lutuin na ito agad. Maaari namang gisahin muna ito at saka na lamang initin.

KUMAIN KUNG TALAGANG GUTOM

Yes. Hindi dahil marami kayong nakikitang pagkain ngayon eh sige lang, bukas dito bukas dun. Turuan din natin ang ating mga anak na unawain ang sitwasyon ngayon.

Breakfast, lunch, dinner. Yan lang muna tayo. Siguro pwede rin na may merienda, pero iwas na muna sa morning snack tapos may midnight snack pa. Hahaha!

Mahirap kasi kapag labas tayo nang labas dahil baka kung ano ang masagap natin at maiuwi pa sa ating pamilya. Kailangan magtulungan tayo upang malampasan natin ang mga ito at mabalik sa normal ang lahat.

Hindi ibig sabihin na marami kayong pinamiling
grocery eh dapat nang maubos lahat yun.
Tandaan, naka-quarantine tayo kaya
hinay-hinay sa pagkain. Mag-tubig ka na lang
kung nagugutom ka na naman ngayon.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga lutuin na hindi madaling masisira ang pagkain?
  • Paano ninyo ninabadyet ang inyong pagkain ngayon?
  • Nauunawaan ba ng lahat ng myembro ng inyong pamilya ang sitwasyon na mayroon tayo ngayon?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post SI G.G. (laging Gutom na Gutom) appeared first on Chinkee Tan.


Si Earl (Early Bird na, Masipag Pa)

$
0
0

Day 18 na ng Enhanced Community Quarantine. Kumusta ka Ka-Chink? Kumakapit pa o may cabin fever na? Productive pa ba o nag-Tiktok na? Sa mga ganitong panahon na wala tayong pwedeng puntahan at buong araw lang tayong nasa bahay, gayahin natin si Earl. Early bird na, masipag pa. Maaga gumising para simulan ang araw at ginagamit sa tama ang oras para hindi maburo sa bahay. Ano ba ang ginagawa ni Earl?

BE FIT AND HEALTHY

Dahil hindi ka makalabas ng bahay, kain-tulog repeat na lang ang buhay. Para naman hindi ka lumobo pagkatapos ng quarantine period, magandang simulan ang iyong araw sa exercise. Walang gym? Don’t worry, mag-YouTube gym muna. Maraming fitness videos online na pwedeng mong sabayan. Marami ring fitness apps sa phone para naman magkaroon ng variation ang workout mo.

At dahil limited lang ang access mo sa fast food chain ngayon, now is the time to be healthy. You have all the time in the world to cook healthy and delicious meals. Na-enjoy mo na ang lutong-bahay, napalakas mo pa ang resistensya mo. Mas malaki ang chance na maiwasan ang virus by becoming fit and healthy every day.

DO GENERAL CLEANING

Dati parati kang nagre-reklamo na you do not have time to clean up. Sobrang busy. Pwes ngayon, wala kang choice kung hindi maglinis dahil buong araw kang nasa bahay. Sabi ni Pangulong Duterte, baka may mga lugar pa sa bahay natin na hindi pa natin napupuntahan. Baka naman din may lugar pa sa bahay natin na hindi pa napupuntahan ng walis. Kaya take advantage of this quarantine period. Baliktarin mo na ang iyong bahay and do general cleaning. Iwas bagot na, na-sanitize mo pa ang iyong tahanan.

LEARN AND RELEARN

Ito ang best part sa quarantine period. May time na tayong lahat para aralin ang mga bagay na hindi natin akalaing maaaral pa natin. Hindi na excuse ang walang time to learn and relearn. What is that thing that you really want to learn? Stock market? Music? Cooking? Makeup? Carpentry? Gardening? Sulitin natin ang quarantine period para matuto ng mga bagong skills o matuto muli ng mga nakalimutang skills. Huwag ding kalimutang magbasa-basa kahit isang oras kada araw. Marami kang matututunan sa pagbabasa kaysa ubusin mo ang buong araw sa pag-ubos sa catalogue ng Netflix at mga cat videos sa YouTube.

Importante sa panahon ngayon na magkaroon tayo ng daily routine para mayroon tayong sense of organization and for our sanity na rin. Si Earl na early bird ay sinisimulan niya ang kanyang araw nang maaga para mag-exercise at magluto ng healthy meals. ‘Di lang early bird si Earl. Masipag pa siya dahil may oras siya araw-araw na magwalis-walis man lang. At sa siesta hours, imbes na tumulala ay nagbabasa siya ng mga libro pati na mga online books.

Sa panahon ngayon, tayo’y maging early bird at masipag. Be like Earl.

“Ito na ang panahon upang magsipag at hindi magsayang ng oras.
Huwag tayong maging Juan Tamad na nag-aantay lang na bumagsak ang prutas.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anong pinagkakaabalahan mo ngayong quarantine?
  • May daily routine ka ba?
  • Anu-ano ang mga nais mong aralin ngayon na marami ka ng oras?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan

The post Si Earl (Early Bird na, Masipag Pa) appeared first on Chinkee Tan.

Si Happy, The Positive Thinker

$
0
0

 

Araw-araw, tumataas ang bilang ng mga confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.
Hindi natin alam kung kaya ba nating masolusyonan ito sa natitirang dalawang linggo ng quarantine.
Ang ingay-ingay sa social media. Lahat may kanya-kanyang opinyon. Lahat may gustong ipaglaban.

Ang gulo ng mundo ngayon. Pero wait, bago ka magmukmok at mawalan ng pag-asa, alamin muna natin ang mga ginagawa ni Happy kaya she is still thriving and positive kahit negative na ang world around her.

KUMAPIT SA PANGINOON

The times are uncertain pero ito ang napakagandang panahon para lalo pa tayong kumapit at manalig sa Panginoon. Kapag tayo ay natatakot at nag-aalala, pwedeng-pwede tayong umiyak sa Kanya. Kapag tayo ay nagagalit dahil sa injustices ngayon, pwedeng-pwede tayong magsumbong sa Kanya. Pansinin mo na tuwing natatapos ang panalangin natin, wala man agad na solusyon, may agad na ginhawa naman sa puso.

Hindi natin alam ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito pero we can take comfort from knowing who the Lord really is. Sabi sa Psalm 46:1-3,

“God is our refuge and strength, an ever-present help in trouble. Therefore we will not fear, though the earth give way and the mountains fall into the heart of the sea, though its waters roar and foam and the mountains quake with their surging.”

Kahit anong mang mangyari, we can still find strength sa Panginoon. Parati natin Siyang kasama. Hindi Niya tayo iiwan lalo na sa mga panahon ng sakuna.

MATUTONG MAGPASALAMAT

Kung titignan ang sitwasyon natin ngayon ay parang wala kang makitang dapat pagpasalamatan. Maraming namamatay. Maraming nawalan ng trabaho. Kung ito ang magiging attitude natin sa sitwasyon ngayon, ay talaga namang panghihinaan tayo ng loob at mawawalan ng pag-asa.

Kahit mahirap, subukan natin pa ring isipin kung ano ang mga bagay na maaari nating ipagpasalamat. Pwedeng magpasalamat tayo dahil walang may sakit sa pamilya natin. Maaari ring magpasalamat dahil may nakakain pa tayo ngayon. Pwede ring magpasalamat dahil nagkaroon tayo ng oras sa pamilya natin dahil sa quarantine. Kung araw-araw ay mag-iisip tayo ng kahit isang bagay na nais nating ipagpasalamat, tiyak na mag-iiba ang pagtingin natin sa krisis na ito.

AKSYUNAN ANG KAYANG AKSYUNAN

Madalas, kaya nababalisa ang mga tao ay dahil they lost the sense of control. Feeling nila ang gulo-gulo na at wala silang magawa to fix it. They feel helpless. Pero alam mo ba Ka-Chink, there is something that you can fix — yourself.

May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin kayang solusyonan. Katulad na lang ng tumataas na confirmed cases ngayon ng COVID-19. Hindi kaya ng powers natin bilang indibidwal. Hindi abot ng ating makakaya. Kung ganito ang sitwasyon, parati nating tanungin ang ating sarili kung ano ba ang kaya nating gawin o kaya nating solusyonan? Ano ang abot ng ating makakaya? Hindi man natin kayang gumawa ng gamot sa virus na ito, pero we can do our part by not spreading it to others. Kaya, we stay at home. Self-quarantine. Maging mabuting mamamayan. ‘Yan ang abot ng ating makakaya.

Mas makagagaan ng loob kung tatanggapin natin ang katotohanan na may mga bagay talaga na out of our control. Let us have peace with that. Pero kung kaya naman nating aksyunan, aksyunan natin. Let’s do our best sa teritoryo natin — ang ating sarili.

Maging survivor tayo katulad ni Happy, The Positive Thinker. Kahit mahirap ang ating sitwasyon, kaya pa rin nating magkaroon ng magandang outlook sa buhay. Kaya pa rin nating maging positive. Matatapos din itong COVID-19. Kapit at manalig lang tayo, mga Ka-Chink!

“Walang magandang maidudulot ang pagiging negatibo sa buhay,
kaya think positive upang ang araw ay magkaroon ng kulay.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Kumusta ka ngayon, Ka-Chink? Natatakot ka ba? O may kapayapaan sa iyong puso?
  • Ano ang attitude mo tuwing may hindi magandang balita?
  • Anu-ano ang mga nais mong ipagpasalamat sa gitna ng krisis?

 

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan

The post Si Happy, The Positive Thinker appeared first on Chinkee Tan.

Si Dora (The Explorer)

$
0
0

Kumusta ang home quarantine natin?
Nabaliktad mo na ba ang buong bahay?
Naubos mo na ba ang mga K-drama series sa Netflix?
Nagsasawa ka na ba sa mukha ng favorite vlogger mo?

I understand you, Ka-Chink. Ang hirap talaga makulong sa bahay for a long period of time, lalo na kung hindi ka talaga likas na taong-bahay. Paano pa kaya ang kaibigan nating si Dora, The Explorer? For sure kating-kati na ang paa niya, gustong-gusto na gumala. Tignan natin kung saan-saan gumala si Dora kahit na naka-home quarantine.

EXPLORE KWARTO PRINSESA

Kain-tulog repeat na lang ba ang araw mo? Imbes na buong araw ka lang nakahilata at nagpapagulong-gulong sa kama, why not re-decorate your room? Oras na ring mag-agiw-agiw naman.

At dahil naglilinis ka na rin ng kwarto, isabay mo na rin ang bonding ng pamilya. Pwede mo sila turuan how to clean up their room and to organize their toys. Maaari ka ring mag-search sa YouTube ng easy DIY room decors para sabay-sabay kayong may arts and crafts session ngayong quarantine period. Malinis na ang kwarto, may new skill pa kayong natutunan.

EXPLORE NORTH KUSINA

For sure, favorite place mo ang kusina ngayong quarantine. Baka nga ang pang-one month n’yong food supply ay nauubos sa ilang linggo lang. Bago ka mapabayaan sa kusina at mag-gain ng quarantine weight, take this opportunity to have family time sa kusina. Pwede kayong mag-bonding ni hubby or ni wifey sa pagluluto. To make it more special, why not set up a romantic dinner.

Pero ang best part sa North Kusina ay ang sabay-sabay na pagkain ng pamilya. Bago pa magkaroon nitong Enhanced Community Quarantine, for sure busy tayong lahat. Madalas wala ng time para magkasabay-sabay sa hapag kainan. Ibalik natin ang dating tradisyon ng pamilyang Pilipino — ang sabay-sabay na pagkain sa hapag-kainan habang masayang nagke-kwentuhan.

EXPLORE SALA UNION

Kahit work from home ang marami sa atin ngayon, hindi naman pwedeng work all day long din. Take this opportunity to rest with your family. Kung mahilig kayong manuod ng movie, thank God for Netflix. Kung mahilig naman kayo sa music, then take this opportunity para mag-play ng instrument together, parang family band. O ‘di kaya kahit simpleng videoke session lang.

Pero ang pinakaimportante sa lahat, take this time to pray together as a family. Nakikita natin sa balita ang pataas nang pataas na bilang ng mga taong nagkakasakit. Ngayon ang tamang panahon para manalangin tayo at mas masarap dumulog sa Panginoon kung kasama ang pamilya. Sabi nga, “The family that prays together, stays together.” Let’s pray for our nation as one family.

“Mas marami tayong oras ngayon upang libutin at linisin ang ating tahanan. Isa ito sa magandang gawin upang mas mapangalagaan ang ating kalusugan.”
Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang bonding n’yong pamilya ngayong quarantine period?
  • Nagagamit mo ba ang oras para mapatibay ang pagsasamahan ng inyong pamilya?
  • Anu-ano sa mga puntong nabanggit ang nais mong gawin sa iyong tahanan?

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram:
https://www.instagram.com/chinkeetan

The post Si Dora (The Explorer) appeared first on Chinkee Tan.

KAYA NATIN ITO!

$
0
0

Maraming ganap sa paligid natin. Pero ito ang panahon para gamitin natin ang lahat ng ating oras upang maging mas productive at maging creative.

Huwag nating isipin na ito na ang katapusan ng ating kinabukasan. Marami tayong oras ngayon upang makahanap ng paraan at masolusyunan ang ating mga problema.

Una na dito ay

MAGING CREATIVE AT INNOVATIVE

One way para kumita rin ngayon is by making your product available. May nakita akong isang ka-iponaryo na humanga rin ako. Naisip nilang mag-asawa na gumawa ng tinapay at i-deliver sa buong subdivision nila!

Oh ‘di ba, nakabuo agad sila ng sarili nilang negosyo at nagamit pa nila ang kanilang skills. Higit pa rito, naging in demand din ito dahil isa sa pangunahing pangangailangan ang food.

Kaya naman dapat

ALAMIN ANG MGA PANGANGAILANGAN

Syempre nand’yan ang mga pagkain, inumin, mga gamot, bigas, facemask, alcohol. Kaya naman maganda rin na gawin nating available sa mga tao ang product natin lalo na sa ating mga kakilala.

Maganda rin kung may maitutulong sa iba, lalo na sa mga restaurant. Imbes na masira ang mga pagkain na naka-stock pwede ring itulong ito sa ibang mga tao.

Higit sa lahat

MATUTO MULA SA KARANASAN

Ang madalas na ipinapayo natin sa mga may negosyo ay magkaroon ng buffer. Ibig sabihin nito, may nakatabi na 60% para sa investment or return sa business. Ito ang maaaring kuhanan para sa mga empleyado o kaya naman pambalik sa negosyo pagkatapos ng isang krisis.

Then 40% lang gamitin natin para sa mga pangangailangan nating personal. Ito yung pinapayo natin sa mga may negosyo para mapaghandaan ang mga krisis tulad nito.

Ngunit kung nasa sitwasyon na hindi naman ito nagawa ay

“Huwag matakot sa panahong ito na parang wala nang kinabukasan,
dapat magsumikap na maghanap ng ibang mapagkakakitaan.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

 

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Anu-ano ang mga ginagawa ninyo upang maturuan ang inyong anak?
  • Paano n’yo sila tinuturuan nang tamang pag-uugali?
  • Sinu-sino ang maaaring tumulong sa inyo upang maturuan at mapalaki nang tama ang inyong mga anak?

————————————————-
ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER”

Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post KAYA NATIN ITO! appeared first on Chinkee Tan.

IDLE MIND

$
0
0

Dahil marami ngayon ang nasa bahay lang, marami rin siguro ang hindi na alam ang gagawin. Sobrang bored na sa bahay. Kaya naman naisipan kong gumawa ng blog na ito para maging productive ang ating home quarantine.

It is very important to

STAY PRODUCTIVE

Hindi lang tayo kain tulog ta’s kain na lang uli. Dapat ay may ginagawa rin tayo tulad ng paglilinis ng bahay o kaya naman maghanap online ng mga maaaring pagkakitan.

Hindi ibig sabihin na naka-home quarantine ay hindi na tayo maaaring kumita. Maaari rin tayong maghanap ng mga jobs online para hindi masayang ang ating panahon.

READ GOOD BOOKS

Huwag lang natin ubusin ang oras natin sa kapapanood ng mga palabas. Mas maganda sana kung may routine din tayo na gagawin para alam natin kung kailan yung oras para manood at kung anong oras yung dapat may gagawin tayo o magbabasa.

Learn new things! Maraming oras ngayon para matuto ng iba’t ibang bagay. Marami rin oras ngayon para makapagnilay at mas makilala natin ang ating sarili at ang ating pananampalataya sa Panginoon.

CREATE NEW IDEAS

Yes! Sa mga businesses ngayon, ito na rin ang panahon para makapagplano kung ano ang mga gagawin pagkatapos ng crisis na ito. Nakita naman natin ang kahalagahan din ng online ngayon.

Ito na rin ang magandang simula upang mabago ang ating pananaw sa ating pag-iipon at sa ating mga planong pinansyal sa buhay. Huwag nating hayaan na lumipas ang isang araw na wala tayong nagawang may kabuluhan.

“The idle mind is the playground of the devil.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker

THINK. REFLECT. APPLY.

  • Ano ang routine na ginagawa mo daily sa kasalukuyang quarantine?
  • Paano mo ginagamit ang iyong oras para mas maging kapakipakinabang ang iyong ginagawa?
  • Anu-ano ang pinansyal na plano mo ngayong naranasan mo ang krisis na ito?

———————————————————————–

Watch this video:
WHAT TO DO WHEN YOU FEEL OVERWHELMED
https://youtu.be/XbGi6tBUKM8

ARE YOU SICK AND TIRED OF YOUR PERSONAL, PROFESSIONAL AND FINANCIAL LIFE?

If you are, BEST NEWS! Your worry days are over!

Two of the best speakers in the Philippines come together for a special FB live course. Join me and my mentor, Francis Kong, on APRIL 18 SAT, 9PM Entitled: “YOUR BEST FINANCIAL YEAR EVER”

Click here to register and avail the EARLY BIRD RATE of Php 598 instead of Php 2,598: https://chinkeetan.com/best

For more inspirational content, new products, and promos, follow my Social Media accounts:

Facebook page: https://www.facebook.com/chinkeetan/
YouTube channel: https://www.youtube.com/chinkpositive
Instagram: https://www.instagram.com/chinkeetan/

The post IDLE MIND appeared first on Chinkee Tan.

Viewing all 1372 articles
Browse latest View live